"Red? Tulala ka nanaman."
Napatigil sa pag hiwa ng carrots ng maramdaman niyang humapdi ang daliri niya. Napamura nalang siya sa sarili niya at pabalang na binagsak yung kutsilyo at dumiretso sa sink para mag hugas.
"Fuck, fuck, fuck," Hindi niya maiwasan mag mura. Hindi siya nag mumura dahil sa hapdi, kung hindi dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip niya. Mas napalakas ang mura nito ng maramdaman niyang may humawak sa balikat niya, "Pakshit!"
Kaagad itinaas ni Trench ang kamay niya, "Woah chill, Red." Huminga ng malalim si Red bago sumandal sa kitchen counter. Kaharap niya si Trench na nakatitig lang sakanya, tila gustong mag tanong kaya naman tumango siya. "Are you okay?"
Napatanga siya at itinaas ang kamay niya, "Do I look like I'm okay? Ikaw kaya ang hiwain ko?"
"Ba't ang sungit mo? Last week pa yan ha."
"Eh ba't ang kulit mo?" Red hissed.
She cannot stop herself from being a bitch towards Trench. Naiinis lang talaga ito sakanya dahil sa ugali nito. Last week kasi, nag uwi ng babae si Trench sa bahay nila at sinabi ito sakanya ni Trish. Nung Wednesday naman, sweet ito sakanya at nag bigay pa ng chocolates fresh from Rome daw at flowers. Pero kahapon nag uwi nanaman daw ito ng babae, kaso sa condo niya na. Ayaw niya na sigurong maka-experience ng pingot mula kay Trish.
"Here," Gusto niyang bawiin ang kamay niya mula sa pag kakahawak ni Trench pero hindi niya magawa. Para kasing bumagal ang oras ng mga sandaling iyon. Napatitig siya sa mukha ni Trench na seryoso habang nag lalagay ng band aid sa sugat niya. Hindi niya maiwasang mamangha kung gaano ito kagwapo. Parang gusto nalang niya ilagay si Trench sa isang museum. "Red?"
"Ay, pogi!" Red blurted out. Trench can't help but to smirk which made her blush. Tumikhim siya at bahagyang umiling, trying to wipe off her embarassment. "Anong mukha yan? Is there something funny?"
"Masama bang ngumiti?"
"Oo, lalo na kapag ikaw ang ngumingiti. Nakakaasiwa eh." Tumalikod na si Red at nag lakad palapit kay Natalia na busy sa pag aayos ng table. "Nat, ikaw na mag hiwa ng carrots? Nasugat ako eh."
"Oh, are you okay? Pero hindi ko pa tapos ayusin 'tong table eh?"
Red brows furrowed, "Eh nasaan ba si Asul? Akala ko ba kasama mo siya dito?"
"He went out with Ally eh, bibili ata sila ng drinks." Napatingin si Natalia sa likod niya at ngumiti ng nakakaloko, "Trench, why don't you help Red with this? Wala ka namang ginagawa."
"I was about to volunteer to do the work but you asked her to do it."
Napatingin si Red kay Trench na nakangiti sakanya. Gusto niya sanang matuwa sa ngiti ni Trench pero para itong nangungutya kaya naman inirapan niya ito. "Edi ikaw nalang ang mag ayos, gusto mo naman pala."
Hindi pa siya nakalalayo ng marinig niyang nag uusap sina Natalia at Trench kaya naman napatigil siya.
"Why is she so cranky? Did you do something bad, Trench Maximus?"
"Woah there! Kapag badtrip si Red ako ang may sala? Hindi pwedeng si Grey? Odikaya si Minton?"
She heard Natalia sighed, "You know what? Parehas lang kayong may saltik."
"Bakit pati ako nasama? I'm the good man here!" Hindi man niya nakikita pero alam niyang nakataas na ang kilay ni Trench ng sabihin niya iyon. "You know what? I can't really understand that girl..."
Matapos niyang marinig iyon, pinilit niya ang sarili niyang mag lakad papunta sa kwarto niya. She locked the door and sighed. She can't understand what's happening to her. Hindi niya na maintindihan ang sarili niya at kung bakit niya ito nararamdaman. Naiinis siya kapag may babaeng umaaligid kay Trench, pero kaagad naman ito naaalis kapag binibigyan siya ng bulaklak nito. Pero for sure babalik nanaman ang inis nito kapag nalaman niya kay Trish na may ginagawa itong kalokohan.
Was she jealous? She can't answer. There's no need to be jealous because in the first place, walang sila. Mag kaibigan lang sila at alam niyang hindi na sosobra pa rito ang relasyon nila. Siguro may karapatan naman siyang mag selos dahil si Trench naman ang nag bibigay ng motibo. Pero no, she can't be jealous, why? She doesn't have the rights. Andon nanaman tayo sa explanation na mag kaibigan lang sila.
She remembered the days when Trench was the one who pushed her to speak again. He pleaded for her to speak. He treated her like she's the only girl he cares for. He showed how much he cares and he never left her side. Parang sakanya lang umiikot ang mundo ni Trench ng mga panahon na yon. And she's damn thankful, kasi kung hindi, for sure walang progress na mangyayari sa buhay niya.
Natigil siya sa pag iisip ng maramdaman ang pag vibrate ng cellphone niya na nasa bulsa. Kaagad niya iyon kinuha at sinagot ang tawag.
[Miss Red, si Robin 'to.]
Her heart clenched as soon as she heard his name. Isa lang ang ibig sabihin ng pag tawag nito. Either he's bringing a good news or quitting the job. At hindi niya alam kung ano ang mas ikakatuwa niya. Pinakalma niya ang sarili niya bago mag salita, "Yes, Red speaking."
[Ma'am, nakilala na po namin siya. Nakuha na din po namin ang pangalan.]
"Spill." Was the only word she can mutter. Damn, she isn't prepared for this. Hindi niya aakalain na sobrang bilis pala mag trabaho nitog si Robin. Sumagot si Robin at muli niyang naramdamang kumirot ang puso niya, "W-wait, what?" She trailed off.
[Summer Elisa Acedo-Montegralle, siya po yung hinahanap niyong kapatid.]
BINABASA MO ANG
Autumn Red with The Gang
HumorAutumn Red Montegralle is a college student. Not the typical one. She's rich, hot, pretty, powerful and strong. She has friends that are really great. Guess what they are. And you'll loose your mind.
