Chapter 21

417 5 2
                                        

[Blue's POV]

"Are you sure dito nakatira si Red?" Takang tanong ni Ally sa sarili niya. Or baka pati samin tinatanong niya? Are you sure daw eh.

Nandito kami ngayon sa labas ng building kung saan nag sstay daw si Red. Sobrang taas ng building at sinabi samin ng investigator namin na nasa 13th floor daw ang room niya. Kailangan pa namin sumakay ng elevator para lang marating don at sinisigurado kong masasapak ko yung investigator na yon kapag wala dito si Red.

Inakbayan ako ni Exodus, "We will never know unless na pupuntahan natin diba? Ano pa hinihintay natin dito? Let's go."

Sabagay, may point siya.

Tumango kaming lahat at nag simula ng maglakad papasok sa building. Papasok na sana kami sa elevator ng biglang may humarang samin. Limang lalaki na nakasuot ng black suit.

"Excuse me?" Pag mamataray ni Trish. Bumira nanaman ang witch na 'to.

"Sorry, but all of you are banned to go further inside this building." Sagot nung lalaking nasa gitna.

Ano? "Teka teka!" Tinaas ko yung kamay ko, "Ay bwisit english pala dito, Minton ikaw na ang kumausap."

Tinulak ako ni Minton na ikinatawa nilang lahat. "Banned? Why are we banned?"

"We cannon answer that question sir, but it's for the safety of Miss Anagralle."

"Safety?! Mukha ba kaming kidnapper?!" Singit ko.

"What, sir?" Tanong nung lalaki blond na nasa right side. "Can you repeat your question?"

"Gago ka, Blue, 'wag kana mag salita!" Bulong sakin ni Trish, napakamot ako sa ulo ko. "Napapahiya tayo!"

Tumingin ako kay Trish at inirapan siya. Gusto niya atang makita hidden talent ko sa pag english eh.

I cleared my throat before speaking, "My bad, but I'm asking  if we look like a bunch of kidnappers for you to secure the safety of Fall Anagralle?"

"No, it's not like th—"

Nag salita na ako bago pa man nya matuloy sinasabi nya, "Nope, I'm calling my lawyer." Tumingin ako kay Grey at kinindatan siya, "Grey, call Mister Mihara, tell him to file case against these guys."

"Sure thing, dude." Kumindat din siya sakin at nilabas yung phone nya at nag dial kunwari. Buti nalang talaga naalala ko pa yung pangalan ng family lawyer namin na koreano.

Bigla namang nag salita yung lalaki na nasa gitna, "Are you affiliated with Mister Mihara?" Tumango ako at humalukipkip. Nag tinginan sila at nagulat nalang kami ng bigla silang umalis sa pag kakaharang sa elevator.

"Ay anyare?" Bulong ko kay Exodus pero nagkibit balikat lang siya.

"Pasensya na po kung naistorbo kayo, kaligtasan lang po talaga ni Miss Fall iniisip namin."

Napatingin kaming lahat sa lalaking nasa left side. "Marunong ka mag tagalog?!" Tanong naming lahat.

"Opo ma'am at sir." Ngumiti pa ang loko! "Bakit po? May problema po?"

Napapikit ako ng mariin at kinuyom ko yung palad ko. "Pigilan nyoko, Exodus... Minton... pigilan nyokong manapak! Sasapakin ko 'to kahit may hawak tong baril!" Pero imbis na pigilan nila ako, tinawanan lang nila ako. Bigla akong sumimangot, "Anong nakakatawa? Akala niyo joke? Totoo yon!"

"Pasensya na sir, sige na po, puntahan niyo na room ni Miss Anagralle."

Nauna na akong pumasok sa elevator dahil nakikipag usap pa sila dun sa body guard na marunong mag tagalog. Badtrip naman yon, nag pakahirap pa ako sa english tapos Pilipino pala! Bwisit!

"Ano Blue, ayos ba?" Tanong sakin ni Natalia habang tumatawa pagkapasok nila sa elevator. "English pa more!"

"Shut up pwede? You're not funny kaya." Sagot ko sabay irap na ikinatawa nila. "Mukha ba akong clown at wala na kayong ginawa kung hindi tumawa dahil sakin?"

Inakbayan ako ni Grey, "Pasalamat ka nalang may natutuwa pa sayo," bulong nya sakin sabay ngisi.

Tumawa kaming dalawa at nag apir ng may mapansin ako sa pulsuhan nya. Parang baon ng kuko ng babae pero hindi ko masabi kasi 'di naman ako expert sa ganon. "Ano yan?" Tanong ko sakanya sabay nguso sa may pulso niya.

"Alin?" Tinaas nya yung kabilang kamay niya at ipinakita yung bracelet nya, "eto?"

Umiling ako, "Hindi, yung nasa kabilang pulsuhan mo." Dahan dahan nyang iniangat iyon at tiningnan, bigla nalang siyang nanigas sa kinatatayuan niya. "Huy pre, okay ka lang?" Inalog alog ko siya ng konti.

"A-ah, oo pre, ayos lang." Tinago nya yung kamay nya sa likod niya at ngumiti sakin na parang pilit naman.

Hindi ko nalang siya ginulo at kinausap ko nalang si Exodus pagkalabas namin ng elevator. Habang nag lalakad kami papunta sa room ni Red, may napansin akong kakaiba sa sapatos ni Grey.

"Ay brad, sorry!" Pasimple kong kinamot yung ulo ko. "Di ko sadyang matapakan sapatos mo." Umupo ako at pinagpag yung sapatos nya.

"Gago ka Blue, ayos lang!"

Tumayo na ako at tinawanan siya, "Sabihin mo lang kung kailangang bayaran ah?" Biro ko sakanya. "Teka guys, cr lang ako, una na kayo ha?"

"Samahan na kita, Blue." Sabi ni Minton na mukhang nabbored na.

"Wag na, kaya kong buksan zipper ko mag isa." Biro ko sabay takbo papuntang cr dahil alam kong masasapak niya ako.

Pagkarating ko ng cr, kaagad akong pumasok sa isang cubicle at dinukot sa bulsa ko yung papel na nakuha ko sa sapatos ni Grey kaninang pinagpagan ko yung sapatos nya. Kinuha ko yung cellphone ko at pinicture'an yung papel bago ko i-flush sa toilet. Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang lumabas.

Pucha ka, Grey.

Autumn Red with The GangMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon