Chapter 16

429 9 3
                                        

Red's POV

Pinilit kong mag drive kahit ayaw tumigil ng mga mata ko sa kakaiyak. Imbis na umuwi ako ng diretso sa bahay, dumiretso ako sa office ni Mommy.

I need to know what's happening before I lose my mind.

Hindi na ako nag abala na ipark ng maayos ang kotse ko. Hindi ko na rin binati yung mga staff na bumabati sakin. Hindi ako pumunta dito para makipag batian, pumunta ako dito para harapin si mommy. Dumiretso ako 13th floor kung nasaan ang office niya pero tumambad lang sakin yung secretary niya.

"Hi Miss Red, ano po kailangan nyo?"

"Where's my Mom?"

"N-nasa meeting po.." Napakurap siya na parang nag tataka. "Okay lang p-po ba kayo?"

"I'm okay." Pag sisinungaling ko. Hindi niya na dapat malaman yung personal life namin. "Anong oras sila matatapos?"

"Patapos na po— Madame Montegralle!" Tanya beamed. Napatingin ako sa may pinto at nakita ko si mommy na papasok. "Ayan na po siya."

"Oh hija, why are you here?" Lumapit kaagad sakin si mommy at hinalikan ako sa pisngi. "Kanina ka pa?"

"No..." Bahagya ko siyang nginitian at lumingon kay Tanya. "Mom, I need to ask you something."

Napahinto siya saglit pero tiningnan niya si Tanya. "Tanya, can you leave us for a while? I'll call you when we need something." Buong puso namang tumango si Tanya at iniwan kami ni mommy sa office. "What do you want to ask?"

Huminga muna akong malalim bago ko siya tanungin. I need to prepare myself for her answer. "Mom..." I breathe. Tiningnan ko siya diretso sa mata at ganoon din ang ginawa niya. "Bakit buhay si Exodus?"

Napako siya sa kinatatayuan niya na parang hindi niya inaasahan yung tanong ko. Napaiwas siya ng tingin at naglakad papunta sa table niya.

"W-what are y-you talking about?"

"Mom, buhay siya." Nilingon niya ako na parang may takot sa mga mata niya. "I saw him with them!"

"Red, calm down.." Lalapit sana siya sakin pero umatras ako. "R-Red—"

"M-may alam ka ba dito?" Inabot niya yung kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Is this her answer? So may alam siya dito? "Ginagawa niyo ba akong tanga?"

Nanlaki yung mata niya. "Red, hindi sa g-ganon..." Hindi ako sumagot at nakinig pa sa sasabihin niya. "Pinili naming hindi sabihin sayo na buhay si Exodus kasi alam naming masasaktan ka kapag nalaman mong hindi ka na niya nakikilala."

That's it? That's their reason?!

"Alam naming hindi mo makakaya kapag nalaman mong hindi ka na niya maalala. Alam naming mas masasaktan ka at iyon ang iniiw—"

"Sa tingin mo ngayon hindi ako nasasaktan?! Sa tingin niyo mas makabubuti saking ilihim niyo lahat ng 'to?!" Hindi ko na napigilan na hindi umiyak. "Maling mali kayo, Ma! Mas nasaktan ako sa ginawa niyo. I suffered so much when you told me he died after that incident. I suffered for so long when you told me he left us. It broke my heart at hindi ko nga alam noon kung paano mababalik yung dating ako."

"R-Red..."

"But the day came when I finally accepted it. Naniwala ako sa mga sinasabi niyong sasaya siya kapag nakita niya din akong masaya. Naniwala ako sainyo na dapat kong kayanin para sakanya. Naniwala ako na hindi niyo din ako sasaktan. Pero ano?! Mas masakit pa 'tong ginawa niyo sakin kaysa sa malaman kong namatay siya kahit hindi naman pala!

Ang sakit kasi kayong mga pinag katiwalaan ko, kayo pa 'tong nanloko sa akin. Sobrang sakit kasi nagawa niyo akong lokohin na parang wala lang 'to sainyo. Hindi lang doble yung sakit na nararamdaman ko ngayon Mom, hindi lang triple, kasi parang hindi na mapapantayan 'tong sakit na pinadanas niyo sakin."

Ngayon ko lang napansin na umiiyak na din pala si mommy pero hindi ko iyon ininda at nanatili lang na nakatayo sa harap niya.

"Red, I'm s-so sorry... Akala ko iyon yung mas makabubuti saiyo. Patawad anak, hindi ko naman sinasadya na masaktan ka ng ganito. Gusto kong ibalik yung oras at itama ang lahat ng ito."

Yayakapin niya sana ako pero iniwas ko yung sarili ko. Pinahid ko yung luha sa pisngi ko at tinalikuran siya. Hindi ko muna kayang makita siya ngayon.

"Red, anak, saan ka ba pupunta?" Nakatayo si Manang Cel sa may pintuan ko habang pinapanood akong mag impake. "Gusto mo bang tulungan kita?"

Nahinto ako sa pag lalagay ng gamit ko sa kwarto ko sa narinig ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nilapitan siya at niyakap. "Manang..."

"Umiiyak ka ba?" Umiling ako at pinilit na pigilan yung luha ko. "May problema ba?"

Humiwalay ako sa yakap at nginitian siya. "Manang, aalis muna ako saglit."

"Saan ka pupunta? Alam ba yan ng mommy mo?"

Hindi ako sumagot at nagpatuloy nalang sa pag liligpit. Kinuha ko yung isa kong sports bag at doon nilagay lahat ng iba ko pang gamit na kakailanganin ko. Kinuha ko din yung bag ko na nag lalaman ng passport at passbook ko.

Tinulungan ako ng driver namin na ilagay yung mga gamit ko sa kotse. Bago ako umalis, niyakap ko si Manang Cel at may inabot sakanya.

"A-ano 'to?"

Ngumiti ako, "Thank you for taking care of me... Gamitin niyo po yan kapag kinailangan niyo."

"R-Red.. Hindi ko ata 'to matatanggap." Ibabalik niya sana yung sobreng binigay ko pero umiling ako.

"Keep that." Muli ko siyang niyakap bago umalis.

Pumasok ako sa kotse ko at lumabas na ng garahe namin. Hindi na ako lumingon sa bahay dahil alam kong lalamunin nanaman ako ng lungkot. Nag drive lang ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa alam kong nakalayo na ako sakanila.

Sinandal ko yung ulo ko sa manubela at mariing pinikit ang mata ko.

"I need to get out of this place.... and start something new."

Autumn Red with The GangMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon