Chapter III-Advice

252 4 3
                                    


Kim's P.O.V.

nang makauwi na ako ng bahay ay dumiretso na ako sa kwarto upang makapagpahinga.. nakakapagod kaya ang first day of school!! hehehhe..

habang humihiga ay naalala ko sina Jake at Mark, kung paano kami nagkakilala at sa di ko maipaliwanag ay naalala ko ang mga matatamis na ngiti ni Jake..wait??? whatt!!! naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi. "bakit ko ba 'to nararamdaman?? shit!!! , oo totoong gwapo sya pero.
.
.
.
.
.
"'Di ako bakla!!" sigaw ko...

hala!! ano ba 'tong sinasabi ko?? haayss... mas mabuting kumain na lang muna ako sa baba..

tumayo ako at tumungo sa harap ng aking pintuan at akmang bubuksan ito ngunit napatigil ako nang may bumukas ng pinto.

"anak!! anong problema!! may lalaki bang gusto kang rape-in??!!" nag-aalalang sabi ni mama.

"huh?? anong problema niyo??". sabi ko habang pinipilit iwasan ang pagtawa dahil sa ekspresyon ng mukha nito.

"ehh.. ikaw kasi,, bigla-bigla kang sisigaw na hindi ka bakla akala ko tuloy may lalaki dito na gusto kang rape-in". kalamado nitong sabi.

nagulat ako sa mga isinabi ni mama at naalala yung mga nangyari kanina. bigla namang uminit ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. "ahh.. yu-u-nn bah??" utal-utal ko sabi habang napakamot sa batok ko. "wala yun... baba na lang tayo ma.. gutom na kasi ako ehh.." sabi ko sa bitaw ng isang pilit na ngiti si mama.

"sigurado ka ba??" sabi ni mama sabay himas sa aking balikat.

napangiti na lang ako at hinila si mama papunta sa hapag..

habang kumakain ay di ko maiwasang maisip kung ano ba 'tong dumudugudog sa aking dibdib.

"Lukso ng puso ?? o Pulso lang ng kalandian" tanong ko sa sarili.

huh?? ba't may Lukso ng puso!! eh di ko naman siya... Oh myy!!!!!
.
.
.
.
.
.
Nagkakagusto na ba ako sa lalaki ngayon????? shit!!!. sabi ko sa sarili habang naibaba ko ang kutsara ng padabog.

"anak mag-usap nga tayo.. ano ba talagang problema mo?? I'm your mom, tayo nalang dalawa ang magpamilya ngayon, nasasaktan ako pag nakita kitang may problema at Mas lalo pa akong nasasaktan ngayon, dahil ni katiting na Idea kung anong problema mo'y wala ako." mahinahon at makikita mo ang lungkot sa mga mata nito habang sinasabi yun kanina.

'TolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon