A/N:
Hi ! Paramdaman naman guyss. o(╥﹏╥)o Kahit isang comment lang. hahaha. Buti pa si @ken_paradeza palaging nagcocoment simula prologue hanggang Chapter XI. Hi pala sa kanya
ヾ(¯∇ ̄๑).BTW eto na yung Chapter XII ٩(๑❛▽❛๑)۶ .
------------------------------------
Jake's P.O.V.
Isang linggo rin ang lumipas nang nag-inuman at nagkahalikan kami ni Kim, Simula nun ay hindi niya na ako pinapansin.
Masakit sa akin na bumalik naman ang pagkatopak nitong lalaking 'to, 'di na naman niya ako kinakausap. Tinry ko naman siyang kausapin pero sa tuwing lalapit ako sa kanya ay umeepal naman si Philip kaya 'di ko siya nakakausap. Tingin ko nga may gusto 'to si Philip sa 'tol ko.
Pero kahit ganoon ang sitwasyon namin ng mahal ko, oo ng MAHAL KO ay palagi ko silang sinusundan ni Kim kahit saan. Nakita ko naman ang mukha ni Kim na parang naguguluhan parati. Ano kaya kinaguguluhan niya?
"Hoy! Jake! Sino ba yang inii-spy mo ha?
kung makatago ka dito sa puno, Eh parang si James Bond ka!" Sabi ng isang napakapamilyar na bosesUnti-unti kong dinako ang aking ulo sa nagsasalitang nilalang. Bumangad naman sa akin ang mukha ng gustong-gusto ko makita ngayon, ang taong palagi kong sinusundan para makausap, Walang iba kundi ang pinakamamahal kong 'tol. Si Kim.
"Kim?" maikli kong sabi.
Sa kagalakang nakita ko siya ay 'di ko na namalayang niyakap ko na pala siya.
"Jake? Okay ka lang?". sabi nito sa akin.
"Bakit 'di mo na naman ako pinapansin ha? ansakit Kim, napakasakit!" sabi ko habang nakayakap pa 'rin sa kanya.
"Ja-Jake?" utal-utal nitong sabi sa akin.
Unti-unti kong binatawan si Kim sa aking pagkakayakap sa kanya at tinitigan ito sa mga mata.
"Ano yon?" ako.
"Ahmm. Jake,
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ready na akong tanggapin ka sa buhay ko, hindi bilang isa kaibigan lamang, kundi bilang isang ka-ibigan." nahihiyang sabi nito.
.
.
.
.
.
.
.
⁄(⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)⁄