Chapter XVI

107 3 1
                                    

Nag daan ang mga araw at naging kaibigan namin si Ella as in close na close na kaibigan. Sa lahat ng taong kilala namin ni Jake ay si Ella lang ata ang nakakaalam ng aming sikreto. Si Mark nama'y halatang naiilang kay Ella, kasama na kasi namin si Ella palagi tuwing recess at lunch at kasi parang may something dito kay Mark. Parang gusto niya ata si Ella. hehe.

"Guys saan tayo mamayang uwian?" tanong ni Ella.

naisipan ko naman yung coffee shop malapit dito sa school.

"'Dun nalang tayo sa Coffeè Shop malapit dito sa school." sabat ko. Nakita ko namang tumango lang si Mark at Jake.

"ah o, segi." sabi ni ella.

Matapos ang klase ay sabay-sabay na kaming bumaba,sa 2nd floor kasi ng building room namin nang biglang may humarang sa 'ming babae, si Liza ata name nun.

"Jake, Mark sumama kayo sa 'kin may emergency meeting ang president natin." sabi nito sabay hila niya kay Jake at Mark.

Natigil naman sila Jale at Mark at tumingon sa 'min.

"Kim, Ella mauna nalang kayo, susunod na kami. Sorry" sabi ni Jake.

"Ahh, segi ok lang 'tol, basta't susunod kayo hah." sabi ko at tumango lang si Mark at Jake at naglakad na.

Nang makaalis na sila ay naisipan naming tumambay muna sa Field ng school at magkwentuhan.

Jake's P.O.V.

" Guyses, may importante tayong pag-uusapan ngayon, kasi alam niyo naman 'tong pink kong heart ay nagkagusto sa isang mala-pandesal ang tiyan na si Sherwin, gusto ko sananang magpatulong sa inyo, hehe, kung okay lang naman" Sabi ng president nming bakla.

juskoo! akala ko anong importanteng sasabihin! yan lang pala.

"Bwesit to ah! akala ko anong meron. Sayang Date sana namin ngayon ni Ella" bulong ni Mark.

Napangiti naman ako sa aking narinig, oo, may gusto si Mark kay Ella, kaya nga sa 'twing kasama namin si Ella ay parang lutang palagi sa himpapawid ang gago.

tumango lang ako sa sinabi ni Mark at ngumiti.

"Alam niyo guyses, first ever anniversary namin bukas ng labs ko, at balak ko sanang surpresahin siya at siyempre 'di ko kayang ako lang mag-isa kaya hihingi ako ng tulong sa inyo and please let's keep it as a secret guyses, ok ba yun" panunuyo ng aming president sabay thumbs up ng hinlalaki niya .

wala naman kaming magawa kaya nag thumbs up nalang din kami.Sinimulan na naming maggupit-gupit ng mga Cartolina para sa mga dekorasyon sa gagawin ng president namin bukas.

Naalala ko bigla si Kim ng walang dahilan.

Paano kaya kung gawin ko rin sa kanya 'to? eh pero hindi pa pwede kasi sekreto pa lang ang relasyon namin eh. Minsan nga naiinggit ako sa president namin, kasi parang halos lahat ng meeting namin ay kasama niya si sherwin at palagi silang nagP-PDA.

haayyys. pero okay lang, atleast masaya at mahal namin ang isa't-isa.

habang naggugupit ay pasimple kong siniko si Mark kasi ang gago, nag ce-celphone lang.

"Look who's coming." Sabi ni Mark sabay patingin niya sa akin sa kanyang phone.

"Shit." napamura ako sa nakita ko.

"whaaat?! you're not happy?" nagtatakang tanong ni Mark.

hindi ko in-expect na uuwi pa siya dito sa Pinas. Grabee! Matapos ko siyang mahalin! nagawa pa niya akong iwan, pero okay lang, Atleast dahil sa kanya magkasama kami ng 'tol ko ngayon.

Hindi na ako umimik kay Mark at nagpatuloy na lang gumupit.

Coffeè Shop~~

Matapos ang lahat ng gupit-gupit ay pumunta na kami sa pinag-usapan naming Cofee shop kaninang umaga.

Nakita naman naming nakaupo si Ella at Kim sa isang table at halatang nagtatawanan.

"Anong meron 'tol?" tanong ni Mark.

Oi himala! nagsalita ang gago sa harapan ni Ella. haha.

" Finally, nagsalita ka na din, first time ko atang marinig boses mo. " pang-aasar ni Ella kay Mark.

Tiningnan ko si Mark, hala, ang gago nag-blush, kinikilig, hahaha.

Nagtawanan naman kaming tatlo nina Kim at Ella sa pamumula ni Mark.

usual day lang sa amin na ganito, gala-gala kung saan at kwentu-kwentuhan.

Matapos ang ilang kwentuhan ay nagkasundo na kaming umuwi na.

End of Chapter~

--------------

sino kaya ang uuwi? hmm.

abangan~~

'TolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon