XIX-Beach pt. 2

106 2 3
                                    

habang nakaupo lang sa buhangin at nakasandal ang ulo sa balikat ni Jake ay 'di ko namalayang nakaiglip na pala ako gawa na rin siguro sa kapaguran galing sa biyahe.

nagising na lang ako sa pagkakaiglip ng maramdaman kong may dumamping labi sa aking kanang kamay.

iminulat ko ang aking mga mata at nakita 'kong hinahawakan ni Jake ang aking kamay na para bang kahit anong oras ay bigla-bigla akong mawawala sa kanyang tabi.

nilibot din ng aking mga mata ang kabuuan ng beach resort at nakitang may mangilan-ngilan ng mga tao ang naliligo sa dagat.

itinuon ko naman ang aking paningin kay Jake na nou'y titig na titig sa 'kin.

Nagulat ako sa mga ipinapakitang pagtitig ni Jake sa akin, di tulad ng dati, ngayon ay parang ang talim at ang lagkit ng kanyang tingin na ngayo'y nakatuon sa 'king mga labi.

"Jake? okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

para namang nawala at biglang bumalik ang kanyang wisyo dahil sa kanyang reaksyon.

"Ah..eh. okay lang ako 'tol. Naalala ko lang nung una tayong maghalikan ay hindi mo man lang sinagot mga halik ko noon." pilyo niyang sagot.

"Eh ikaw naman kasi no! padalus-dalos ka! ni hindi pa naman tayo mag-on nun, e may pahalik-halik ka na!" reklamo ko sa kanya.

"Eh nalibugan kasi ako nun! dahil bigla-bigla ka nalang kasing naghuhubad ng damit kahit me aircon na!" sabat niya.

"Hindi noh! talagang mainit ang katawan ko nung time na 'yun dahil pina-inom niyo ko ni Mark!" daing ko.

"Hahahaha!" tawanan lang kaming dalawa habang nire-reminisce ang nooy nakalipas.

wait lang anong oras na ba? parang napasarap ata ang pagkaiglip ko kanina ah.

"'Tol?" pagkuha ko ng kanyang atensyon na nooy nakatitig lang sa mga taong nagsi-swiming sa dagat.

"O?" sagot niya.

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya.

"aba'y ewan ko. hindi ko naman dinala yung relo ko dahil MAGSI-SWIMMING nga tayo,diba?" sarcastic niyang sagot-patanong.

ay oo nga pala. heheh. nakalimutan ko na ang pakay pala namin dito ay magswimming. hehe.

"Sorry lang hah." sagot ko naman na medyo nairita ng konti.

"So, Tara swiming na tayo!" pag-yayaya niya sa akin at biglang tumayo."Ang mahuli, panget!" aba'y chinallenge pa 'ko sa takbuhan hah. tignan natin.

Tumayo na din ako at kumaripas na ng takbo para maunahan ko siya.Siyempre dahil nga mas mabilis ako sa takbuhan ay mas nauna akong nasisisid sa tubig.

Hahahah! ano ka ngayon hah? hahaha.

tiningnan ko siya at hingal na hingal itong lumapit sa 'kin.

"hahaha! hoy panget!" sabi ko at sinabwagan ito ng tubig galing sa dagat.

napalitan naman ang stress niyang mukha kanina ng ngiti.

"panget pala hah." parang pagbabanta niyang sabi sa 'kin.

Nakaramdam ako ng takot nang unti-unting lumapit si Jake sa 'kin, dahil parang alam ko na anong plano niya.Juskoo wag naman po sana! marami pa namang tao dito. Sa maniwala man kayo sa hindi, ay hindi pa kami naka-try ng sex ni Jake. Halikan lang ang limit namin, kaya nga natatakot ako kung umiinit at tumataas ang libido ng kalibugan ni Jake eh, di pa ko ready no! Napag-usapan din naman namin na hindi muna kami papasok sa mga ganyang bagay.

'TolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon