"Anak, kain ka na anak. Please naman oh maawa ka naman sa sarili mo. Tama na yang pagkukulong mo diyan." panunuyo ni mama sa akin sa labas ng kwarto ko.
Nawalan na ako ng ganang mabuhay, hindi ko na kaya ang sakit sakit.
Ilang araw din akong nagkulong dito sa kwarto ko matapos ang aming graduation and since then ay hindi na ako masyadong lumalabas, dito lang ako parati sa aking kwarto na tumitingin sa isang kawalan at umiiyak.
Grabee! Sana hindi ko na lang siya hinayaang pumasok sa buhay ko. Sana ibinasura ko na lang siya katulad ng iba para di na sana ako masaktan ng ganito. Ang sakit sakit kasi.
Nagsimula na namang mag-uunahan ang luhang dumadaloy sa aking pisngi galing sa mga namamaga ko pang mga mata.
Habang umiiyak ay biglang may kumatok sa pinto.
"Kim, 'tol? Baka gusto mo ng makakausap? Nandito lang ako." dinig kong boses ni Aaron.
Siguro kailangan ko na siguro ng makakausap.
Tumayo ako at pumunta sa harap ng pintuan at binuksan ito. Matapos buksan ay humiga na ako ulit sa aking kama at pumukit saglit.
Narinig ko ang mga yapak ng paa ni Aaron na papalapit sa akin at ang paggalaw ng kutson na nagpapahiwatig na ito'y nakaupo sa aking kama.
Naramdaman kong may humaplos sa aking mukha kaya hinay-hinay akong napadilat ng mata.
"Alam mo para kanang Zombie sa pagmumukha mo." natatawang sabi ni Aaron.
"Wala akong pake." Cold kong sagot.
Narinig kong bumuntong hininga si Aaron at biglang tumabi sa akin sa paghiga.
"Alam mo? Ganyang gayan din ako nung iniwan ako ni Shane." Pagkukwento niya.
Napa-tsk nalang ako dahil alam kong ibang-iba kami
" Laging nagkukulong sa kwarto, wala sa mood palagi, ang hirap kumain, Dahil masakit kasi dito oh." Nang tiningnan ko siya ay nakakuyom ang kanang kamao nito habang tinapik-tapik ang dibdib.
May biglang maliit na tinik na kumawala sa aking puso nang marinig ko ang sinabing iyon ni Aaron.
"Pero alam mo, nung nakita ko si Papa na di na alam kung anong gagawin kung paano ako ibabalik sa dati ay dun ko lang narealize na hindi lang si Shane ang tao sa mundo, mas marami pang taong nagmamahal sa akin ng tunay na mas dapat kong bigyan ng atensyon at ibuhos ang pagmamahal na dapat ay para sa kanila. Mga kaibigan, barkada at lalong-lalo na ang 'yong pamilya na kahit kailan ay hindi ka iniwan sa kahirapan man o kaginhawan, nandiyan lang sila palagi at hindi ka iniwan." pagkukwento niya.