A/N:Hi! Musta na po? Ah. ganun ba.
^_^ (*'▽'*)
---------------------------------------
Kim's P.O.V.
Flashback~~
"Dear Kim,
Nung unang araw palang kitang nakita ay may kung anong something na 'di ko maintindihan na kinalabit bigla ang nananahimik 'kong puso. Sa mga oras na iyon ay nalaman ko na agad na nagugustuhan kita. Sana mapansin mo at wag balewalain ang pagmamahal ko sayo. ♥♡♥♡♥
-Ella
nagulat ako sa nabasa ko galing sa papel ng kaklase ko.
Sa tanang buhay ko, first time kong makatanggap ng love letter galing sa isang babae kasi kadalasang natatanggap ko'y galing sa mga lalake, Ew man pakinggan pero oo, galing lahat sa mga lalake.
inipit ko na ulit ang love letter ni Ella sa isang notebook at inilagay ito sa bag.
End of Flashback~~
"Oh ayan basahin niyo na." sabi ko sabay abot ko sa letter sa kay Jake at Mark.
Di na sila nagsalita, bagkos ay kinuha nila at binasa na lang nila ito ng seryoso.
"Wow! hanep 'tol hah. Si Ella pa ang nagbigay sa'yo ng Love letter." amaze na amaze na sabi ni Mark.
Nakita ko naman na biglang lumungkot ang mukha ni Jake nang mabasa niya ito.
"Eh, ano naman kong binigyan ako ng Love letter ni Ella?" sabi ko kay Mark.
"hala? Di mo alam kuys?" sabi ni Mark na nagtataka ang mukha."Si Ella lang naman ang maituturing na Crush ng Campus dito sa School." dugtong pa nito.
"Ay, sorry hah. Matagal na kasi akong nag-aaral dito kaya alam ko na 'yon." sarcastic kong sabi kay Mark.