Kim's P.O.V.
Nagdaan ang mga buwan at mas naging malalim ang pag-iibigan namin ni jake. Lagi kaming magkasabay umuuwi sa hapon pagkatapos ng klase at kasama naman namin si Mark tuwing recess. Si Ella nama'y palaging nakabuntot sa akin sa umaga, kaya 'di kami makapagharutan ng lubs ko XD. Tinago muna namin ang aming pag-iibigan sa kina Mark at sa pamilya ni Jake, natakot kasi kami na baka hindi nila matanggap ang ganitong pag-ibig.
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Jake nanonood ng T.V. at hinihintay kong lumabas sa C.R. si Jake sa pagkakaligo. Sabado kasi ngayon kaya naisipan kong bumisita dito.
Habang nanonood ako ng tv ay biglang bumukas ang pinto ng cr at tumambad sa aking mukha ang nakatapis lang, na si Jake.
Ang hot niya! Grabee! haha. mahilig kasi siya maglaro ng basketball kaya siguro ganyan kapormado ang kanyang katawan.
Nang bumaba ang tingin ko sa kanyang abs ay napanga-nga ako.
Grabee! nakakainggit! mabuti pa siya may apat na pandesal sa tiyan. Samantalang ako, plain masyado pero nakaka-akit. hehehe.
at nang mas ibaba ko pa ang aking tingin ay nakita ko ang kanyang bakat na bakat na pagkalalaki sa towel na nakatapis sa kanyang katawan.
Ibinaling ko agad ang mukha ko sa tv dahil biglang nagsalita ang lalaking kanina ko pa tinititigan.
"Tapos ka ng manood babe? pwede na ba akong magbihis? nakakangalay kasing tumayo dito eh. hehe." pang-aasar nito sa akin.
"Eh sino ba kasing nagsabing tumayo ka lang dyan?" pambabara ko sa kanya.
"Kaw kasi eh. kung makatitig ka sa yummy kong body, eh parang takam na takam ka, kaya hinayaan nalang kitang titigan ako. pang-aasar niya uli.
di ko mapigilang mag-blush sa kanyang sinabi. Eh sino ba namang tao ang di mahihiya sa sinabi niya? aber?
Ah. gusto mong asaran hah. pwes, pagbibigyan kita.
habang siya'y nagbibihis ay umongol ako ng kaunti, yung nakaka-akit.
"ahhmm. shit." moan ko.
Narinig ko namang bigla siyang lumunok ng kanyang laway. haha. Oo, naramdaman kahit hindi ko siya tiningnan, dinig na dinig kasi eh. haha.
" Opps sorry, naalala ko kasi ang ginawa namin ni Ella kahapon." sabi ko habang tinititigan siyang sinusuot ang kanyang shirt.
biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi kong 'yon at bigla niya nalang ako nilapitan at hinawakan sa braso.
"Anong nangyari sa inyo ni Ella kahapon? may ginawa ba kayong lingid sa kaalaman ko? ginawa niyo ba 'yung di pa natin nagagawa ever since? bakit? ang sakit Kim. Di ko alam na siya pa pala ang makakauna sa'yo. Nag-meeting lang ang council, nagawa niyo na agad?! huhuhu." mangiyak-ngiyak nitong sabi sa akin habang iniyugyog ang aking braso.
'Di ko mapigilang mapangiti sa kanyang inasal. Nagseselos kasi siya. haha. totoo naman din talaga kasing di pa namin ginawa yung iniisip niya.
Author: talaga? (while smiling in an evil way.)
Oo naman kuya author noh! pramis! di pa talaga namin yun nagagawa noh!
Author: Ba't ang defensive ata?
Eh ikaw kasi eh! moving on with that, ay nagsalita na naman si Jake.
"Oh? bakit may pangiti-ngiti ka pa diyan?" seryoso nitong sabi.
"hahaha!" malakas kong pagtawa. "inaasar lang kita oi! wag kang seryoso!" dagdag ko pa.
Nangiti na din siya at niyakap ako.