"Ahmm, Kim, pwedeng tabi na lang tayo, hindi kasi ako sanay matulog sa isang sofa eh." reklamo ni Aaron.
Talaga namang ang kapal eh ano, nakikitulog na nga lang nagrereklamo pa! Pssshh!! Pasalamat siya anak siya ng boypren ng nanay ko.
"Ah o segi, paalala lang 'tol, malikot ako matulog kaya wag kang ano." pananakot ko.
Tumayo ito galing sa sofa at tumabi sa akin sa kama.
"Anong ano?" pabulong nitong tanong.
Bigla naman tumayo ang aking mga balahibo sa kanyang inasal.
"Ah-ah wag kang ano, ahmm wag kang choosy ng katabi, yun ." sagot ko.
Umayos na ako sa paghiga at tumalikod sa kanya.
Matutulog na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"Grabe no? Tinago pala ng nanay mo sayo na may boypren siya at 1 year pa talaga bago sinabi sayo." sabi niya.
Hindi ko siya sinagot at nagpretend ako na natutulog.
"Hoy Kim? gising ka pa ba? Kim? Usap muna tayo hoy." at talagang may kasama pang kalabit ang pang-iistorbo nito.
"Ano?! Ang ingay mo, natutulog yung tao!" reklamo ko.
Hindi ko na napigilan kasi ang istorbo eh.
"Grabe, sungit naman neto." wow ako pa talaga ang masungit na siya na nga tung nang-iistorbo eh.
Sarap sapakin, grabe.
" segi ano ba gusto mong pag-usapan ah? Kung paano mo mapapalutang ang isang bato? O baka naman gusto mong pag-usapan ang pagkatalo ni Manny Pacqiao? Let me guess, gusto mong pag-usapan kung paano uunlad ang bansa?" pang-iinsulto ko sa kanya.