A/N:
Hayyss. sorry po kung natagalan ang update, is it too late to say sorry? hehe, anyways ito na po 'yung chapter 18! hope you like it.
--------------------
Kim's P.O.V.
nagising ako sa sinag ng araw na sumisilaw sa 'king mga mata galing sa bintana ng aking kwarto.
Sinilip ko ang aking orasan at nakitang mag-aalas syete na ng umaga. Bumangon ako at umupo sandali sa aking higaan. Kinuha ko ang phone ko at in-open
'di ko mapigilang mangiti habang kinakalikot ang phone ko ng ma-realize ko na birthday ko na pala ngayong araw na 'to.
Masaya 'kong tinoklop ang aking higaan, ginawa ang some daily routines ko at bumaba na para mapunta sa kusina ng aming bahay.
habang tinatahak ko ang aming kusina ay nakaramdam ako ng pagka-galak nang makita ko ang aking nanay kasama ang aking future husband(hehe.) na nagluluto para sa dadalhin namin sa beach ngayong araw.
"Oy ma ba't andito 'yang tukmol na 'yan?" pabiro kong pagmamaktol kay mama. Lumingon naman sila sa akin
"Ah. eh. anak akala ko ba ininvite mo siya?" tanong ni mama.
"Ouch. ehem." pag-aagaw pansin ni Jake sa akin.
hehe. mukhang nasaktan nga. haha.
"Haha. oo nga, ininvite ko siya, pero bakit ang aga niya?" tanong ko kay mama na halatang naririnig din naman ni Jake.
"Eh kung ikaw na lang kaya magtanong? ang lapit niyo na oh?" pagmamaktol ni mama at inumpisihan uli ang pagluluto. 'di ko namang mapigilang matawa sa sinabi ni mama.
" Haha. oy 'tol? ba't ang aga mo?" tanong ko ke Jake.
" Eh maaga kasi ako nagising at excited lang siguro akong makita ang lalabs ko sa kanyang birthday."
di ko mapigilan ang mag-blush sa kanyang sinabi, yan tuloy napahiya ako. haha.
" ah, ganun ba?" ako
"Oo, ganyan kasi magmahal 'to," sabay turo sa kanyang dibdib."palaging nae-excite pagdating sa lalabs nito." aniya
Shit. grabe! feel ko pulang pula na talaga mukha ko.
"Happy birthday 'tol." bati niya at nginitian ako ng pagkatamis-tamis. Lumapit siya sa akin binigyan ako ng yakap.
haayy. okay lang sa 'kin ganito palagi. Ramdam ko ang mainit niyang katawan sa katawan ko. Ang init na 'di maikukumpara sa kahit ano, ang init ng pagmamahal.
"O siya, tama na 'yang ka sweetan na 'yan at magbihis ka na doon Kim, ikaw naman Jake, tulungan mo na 'ko dito para makapag-beach na tayo. dali!" reklamo ni mama.
hayyss naman talaga 'to si mama, panira ng moment, yan tuloy bumitaw na si Jake sa 'kin. huhuh. OA ko no? ganyan talaga.
"Ay sorry po tita. hehe." walang anu-ano pa ay bumalik na si Jake sa pagtutulong ke mama at ako nama'y humahakbang na patungo sa kwarto ko upang makapag-ligpit.
-----------------
Mga alas-nwebe na kami na karating sa beach resort na naisipan naming puntahan. pagpasok namin ay bumungad sa amin ang isang babae at lalaki na parang crew ata dito dahil naka-uniporme ito.
"Welcome sa Isla de Desaavedra, kung saan dito nagsi-swiming ang mga taong keribels ang mala-paraisong pink sand beach!" maligalig na turan ng isang babaeng crew ng beach resort.