Kim's P.O.V.
"Kim, My love so sweet! how's your morning?" sabi nito at niyakap pa talaga ako.
"Kanina Ok pa, ngayon hindi na!" pang-aasar ko.
"'Sama mo! pero ok lang, love pa rin kita! tara, sabay na tayong pumasok." sabi nito habang pumupulupot na parang ahas sa aking balikat.
talaga naman oh! haayyss.. kung minamalas ka nga naman. Kay aga-aga
nambwe-bwesit 'tong babaeng to ah!"Eh hindi nga kita niligawan eh! kung maka-love so sweet, akala mo kung sinong gerlpren ko! " inis kong sabi sa kanya at hinawi ko ang kamay ko sa kanyang pagkakapit.
" Sama mo talaga!" sumbat niya at ibinalik naman ang pagkakapulupot ng kamay nito sa akin.
hayys! kung di ka lang talaga maganda!
At ayon, sabay kaming pumasok ng classroom at nagtinginan lahat ng kakaklase namin pati na rin si Mark at si Jake.
"Oh oh wooh, what do we have here?" bulong ni mark sa 'kin.
"wuut? " taka kong tanong.
hindi umimik si Mark at ngumuso patungo sa direksyon kung saan ang kamay ni Ella ay nakapulupot sa aking balikat.
haayys. nakalimutan ko, nakakapit pa pala ang tuko sa 'kin.
"this?"sabay angat sa aking balikat para mabitawan ako ni Ella. hehe."this is nothing 'tol, ano ka ba? haha." dagdag ko pa.
"Anong nothing?" sabat ni Ella at tinaasan ako ng kilay.
hala! kapaal! bakit may something ba? naku! tung babaing to!
"Anong 'anong nothing?' " balik kong tanong sa kanya.
"ayyiee. nakakadistorbo ata ako ah. segi upo muna ako hah." sabi ni Mark sabay ngiti ng paloko.
tinitigan ko lang si Mark ng masama hanggang siya'y makaupo.
Uupo na sana ako nang nagsalita na namam si Ella.
"Diba mahal kita?" tanong niya.
"Eh ano naman kong mahal mo ako?" tanong ko.
"Akin ka na, tayo na." sagot niya .
haays.. nakakainit ng ulo, pero at the same time naaawa na din ako sa kanya minsan. Paano ko ba sasabihin sa kanya na taken
na ako? Eh kung hindi lang sana ako duwag, Eh pinagsigawan ko na siguro na nagmamahalan kami ni Jake."Ella." bulong ko sa kanya.
"Ano?" tanong nito.
"pwede ba tayo mag-usap pagkatapos ng klase?" tanong ko.
"Aba'y oo naman." sagot nito.
nagsimula na ang klase nang dumating na ang aming guro. Napansin kong parating nakatingin sa akin si Jake at kung titigan ko naman siya pabalik ay nililihis nito ang kanyang tingin sa iba at sumisimangot.
Ano naman kayang katopakan ang pumasok sa ulo ni Jake? haayss.
Pagkatapos ng klase~~
sinama ko si Ella sa isang kiosk ng school kasama si Jake.
"Ella." pagtawag ko ng atensyon sa kanya.
"Ano pag-uusapan natin bhe? " kadiri nitong tanong at tumingin kay Jake.
nakita ko naman si Jake na tumaas ang kilay nito, halatang naiirita kay Ella.
"Uhmm, gusto ko lang i-clarify na.." hindi na ako nakatapos ng salita dahil biglang tinakpan ni Ella ang aking bibig.
"shh.. alam ko na, matagal na. Wag mo ng sabihin, masasaktan lang ako lalo." biglang sumeryoso ang tono ng pananalita ni Ella at halatang nalungkot ito bigla.
tinitigan ko si Jake at nakita kong naawa din siya kay Ella.
"Ella, kahit di tayo magkaibigan pwede ka bang pangaralan ?" biglang sabat ni Jake.
nagulat ako at hinayaan ko na lang sila ang mag-usap. tiningnan ko lang sila habang nag-uusap.
nag-usap ng masinsinan sila Jake at Ella at ako nama'y bumili muna ng pagkain para sa 'ming tatlo. Pagbalik ko, nakita ko si Ella at Jake na nagtatawanan.
hala ano kaya pinag-usapan nitong dalawang 'to?
"Oh guys, kain muna tayo." sabi ko sabay lapag ng pagkain sa table.
"ahmm, Salamat na lang Kim, but I need to go now." sabi ni Ella.
"Ah, segi ingat." sabi ko kay Ella.
tumango naman si Ella at nakita ko itong kinindatan si Jake, at rumespond naman din si Jake.
hala, nacu-curious na talaga ako, ano kaya pinag-usapan nitong dalawa.
Nang nakalis na si Ella ay umupo na ako sa kiosk upang kumain.
habang kumakain ay bumabagabag pa 'rin sa aking isip kung ano kayang pinag-usapan nila.
Dahil sa sobra ka-curiousan ay tinanong ko na si Jake.
"Tol, ano pinag-usapan niyo?" tanong ko.
kumunot ang kanyang noo na parang nagtataka.
"Sino? " maikli niyang sabat.
"Sino pa ba? Edi si Ella." sagot ko.
"Ahh, yun ba? "
Hay nako. nakaka-irita na talaga.
"Oo!" iritable kong sagot.
lumunok muna siya ng pagkain at ngslita.
"Secret, malalaman mo rin sa tamang panahon." pang-aasar niya.
Laks din maka-Aldub eh ano.
hindi na'ko umimik pa at kumain na lang.
Atleast malalaman ko rin naman pala, 'di nga lang ngayon. Ako kasi 'yung tipong hindi makulit. Yung 'Kung ayaw mo, Edi wag.' ganyang tao.
Pagkatapos kumain ay umuwi na kami.
End of Chapter~~