Chapter 2: Sino Ka?

41 1 0
                                    

Aj's POV

"Hello? Hello Tita! Si Nichole po. Sumasakit na naman ang ulo," kabado kong pagsabi kay Tita Annie.

"Saan kayo ngayon?" Halata sa boses niya ang pag-aalala. Nako po!

"Sa Mini Store po. Malapit sa school."

"Okay. Bantayan mo muna siya, I'll be right there."

"Sige po, Tita."

Agad namang dumating sila Tita at mabilis na isinugod si Nichole sa hospital. Namutla siya at nahimatay, mabuti nalang pagkarating sa hospital ay bumalik na din ang kanyang kulay.

Tinignan ako ni Tita habang nags-scroll sa phone ko. Kinakabahan ako, alam ko ako na naman ang masisisi nito.

"May pinaalala ka naman ba sa kanya April?" Tanong ni Tita. Payuko akong sumagot sa kanya. "Wala po talaga Tita, promise!"

"Mrs. Perez?" Istorbo ng doctor sa amin.

"Doc? Doc, kamusta ang anak ko?" Agad na tumayo si Tita.

"Okay na siya. And I guess it's normal for her to feel that way. She had an accident right?" Tumango si Tita tapos tumingin sa akin. I gave her a plain face.

"She might be recovering from the memory loss. Normal lang na sumakit yan at unti-unti itong may maalala." Paliwanag ng doctor.

Nashock ako sa sinabi niya. "Ano doc? Bumabalik na ang mga parte ng memories na hindi niya naaalala?"

"Yes."

Ramdam ko ang maghalong saya at kaba na nararamdaman ni Tita. Atleast. Masaya kasi hindi umabot ng ilang buwan or linggo at nagising na si Nap. Kaba dahil baka magtatanong na naman siya about sa past at wala kaming maisasagot.

"Well, that's a good news I supposed," sabi ni Tita sa doctor.

Kinakabahan ako. I remember the last time Nap experienced this. It was my fault. Nagdebate kami about sa anniversary namin as bestfriends. I was so stupid to realize it late na nagka-amnesia pala siya. I mean, I was there tapos ako pa ang nakalimot. Pilit kong ipinaalala sa kanya ang date. And she collapsed. It took her a month to wake up again. Gustong gusto ni Tita na magalit sa akin. Pero alam kong pinipigilan niya ang sarili niya. Kaya never na akong nagmention kay Nap about sa past. It was my effin' fault why she had an accident tapos dinadagdagan ko pa. ._.

Tinap ako ni Tita. "Don't worry April. Basta ang bilin ko sa'yo. White lies, white lies indeed."

"The patient is okay now. Gising na po siya Ma'am," singit ng nurse.

Mabilis na pumasok si Tita sa room ni Nap. Sumunod ako na hindi alam ang mararamdaman.

"Anak ko!" Niyakap siya ni Tita. Ngumiti naman siya.

"NAP!" Bati ko sa kanya sabay ngiti. Ganoon din siya. I'm happy na ilang hours lang ay nagising na siya. Unlike dati. Hay!

"Salamat sa Diyos okay ka na. Teka lang ha? Nagugutom ka ba? Magtitake out lang ako diyan sa labas. April, pakibantayan mo muna si Nichole."

"Yes po Tita. Take care po." Then she went out of the room.

"NAAP! Pft. Sayang kaya yong ice cream," nagpout ako tapos nagsmile lang siya.

Hindi siya masyadong nagsasalita. Natatakot tuloy ako baka may mga alalang bumabalik tapos ang dami dami kong itinago sa kanya. Pero hindi naman yon para wala lang. Para din naman yon sa kanya.

Bigla siyang nagsalita. "Sa Tarlac pala kami nakatira noon. Ikaw din ba?"

Omymy! Like seryoso ba to? Hindi muna ako sumagot. Ni hindi rin makatingin direkta sa mga mata niya.

"Gusto kong pumunta sa studio ko. May studio ako diba? Medyo malabo nga lang kung ano ang itsura pero may studio talaga ako. May mga nakadikit sa pader na mga pictures. Puntahan natin yon ngayon please?" Seryoso talaga siya. Hinawakan niya na ang braso ko. Pyschology student nga naman talaga.

"Ah, oo. Alam kong taga-Tarlac talaga kayo. Pero, ano ah, wala akong idea about studio. Ang alam ko, lahat ng magagandang shots mo ay nasa kwarto mo," paliwanag ko sa kanya.

Sinungaling ka April Joyce. Sinungaling. Pft!

Nichole's POV

Ang gulo ng isip ko. Ang daming alaala na magpapop-out bigla tapos malalabo din naman. Psh! Saan ba sila Aj? Gusto kong maklaro ang lahat.

Ang cute ng butterfly na nakita kong nakadapo sa violet na orchids. Ang ganda ng kulay niya, blue na may white tapos may spots spots sa gilid. Ang ganda! Kyot! Kinuha ko agad ang camera ko para kunan ng litrato.

"Ayan, ang kyot! Isa pa ----"

"Miss, excuse me? Pwedeng magtanong saglit lang," familiar ang boses.

Agad ko namang binaba ang camera at humarap sa kanya. Badtrip! Isang picture pa lang ang nakuha ko eh. Psh! Ngumiti siya sa akin pero mabilis naman itong mawala sa maamo niyang mukha. Ang gwapo niya. Infairness.

"Yes?" Sabi ko sabay smile. Tinignan niya lang ako. Ako ba talaga? Baka ang butterfly. Lumingon ako sa likod pero wala na ang butterfly. T_T Kainis.

"Hello po?" Kumaway kaway ako. Eh baliw ata to eh!

"N-nichole?" Whoa? Kilala niya pala ako eh. Sino ba to?

"Ah, yes po. Si Nichole po. Kilala mo po ako?" Sino to? Napalunok siya dalawang beses. Lumapit siya sa akin. Smile pa rin ako sa kanya pero obvious na ring medyo plastic na. Kinakabahan na ako eh. Dalawa lang kami dito sa harap ng butterfly haven. Ang lapit namin sa isa't isa.

"Kamusta ka?" Tanong niya na tila bang gustong gusto niya akong yakapin. Pero hindi niya magawa kasi parang may pader sa gitna namin. Ilang beses ko siyang tinatanong kong sino siya, paano kami nagkakilala, pero parang wala lang siyang naririnig. Hanggang sa nakita kong pumapatak na ang luha niya. Pinunasan niya ito gamit ang kamay niya. At pilit na ngumiti.

"Okay ka la----" bigla na siyang tumakbo palayo. Sino yon? Sino siya? Aray ko, sumasakit na naman ata itong ulo ko. Psh! T_T

******

Matagal na panahon na rin na hindi ako nagkainteresado sa past ko. I mean yong mga hindi ko na maalala ngayon. Bakit ko ba naman aalahanin eh tapos na naman yon? Wala din namang magagawa para mabago yon. Pero ang lalaki, sino siya?

Nilibot ko ang buong cafeteria pero ni anino ni Aj, wala. Nasa bahay pa naman ang phone ko. Psh!

"NAPKIN!"

Tang-ina. Sino naman ang may lakas loob na ipagsigawan yan dito?! Ang dami daming tao na kumakain. Hindi na ako lumingon, hindi ko na pinansin. "Aj, nasaan ka ba?" Bulong ko sa sarili ko.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon