Chapter 4: Torpe Problem

60 0 1
                                    

Natulog muna ako mga ilang saglit hanggang sa nagising ako sa ingay ng bunganga ng working student at ng, teka si Nap ba yon?

"Duh? Bakit nakakaistorbo ba kami sa pagtulog nila? Miss, bago mo ka ----"

Just wow. Ang tapang ng Nap natin ngayon ha? Ano kaya ang nakain nito? May idadagdag pa sana siya kaso pinigilan siya ni Aj.

Isa din to sa mga nakakabakla! Kapag tinatanong tungkol kay Nap, palaging 'laters nalang' o di kaya'y 'next time' tapos nagmamadali pa. Next time zoned feels <\3

Chance ko na naman to. Nagtago ako sa likuran ng Math Section kung saan sasakto ang pagdaan nila pagkaliko.

"Shiiii---"

Gago, Pat! Bakit mo pinatid? Diba gugulatin mo lang? Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis ko naman nasalo ang likod niya bago pa ito humiga sa tiles ng Lib.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Hinigpitan ko pa ang paghawak sa kanya hanggang sa dumikit na siya sa dibdib ko.

After how many years, I've got the time to hug her. Yung tipong lahat ng inis at tanong mo ay dali daling naglaho dahil pakiramdam mo tumigil ang mundo at oras.

Pero hindi. Kumawala na siya sa akin. Siguro natigilan lang siya kanina dahil nagtataka siya kung sino ako. Tumingin siya sa akin at nagtagpo ang mga mata namin. Sheyt! I can't get off my eyes on hers. Nagsmirk lang ako.

Ito na ba? Pwede na ba? Pwede na bang itanong kung ano ang nangyari? Bakit nag-aasta siyang hindi niya ako kilala. Pwede na bang itanong lahat lahat?

"Next time, you watch your steps." Gago Pat. Bwesit na dila to oh. Paano ba to? Effin'

"O ano? Hindi ka man lang ba magtithank you? Kung hindi dahil sa akin, basag na yang ulo mo."

Wala na. Dinagdagan ko nalang ng suporta ang nauna kong sinabi. Kunwari concern ako sa kanya, which true naman.

Pero halata na talaga sa mukha niya na nabwesit ko ito. Tumingin ako kay Aj na hindi mapakaling umupo nalang sa tabi, malapit sa may aircon.

"Kung hindi dahil sa'yo, hindi ako natisod! Excuse me lang Patrick ha? Nagpapapansin ka ba? Sa iba na lang, wag ako."

Bakit ba ang hilig niya tawagin ako ng Patrick? Hindi naman ganyan ang tawag niya sa akin eh.

Ako? Papansin? Che! Konti lang. Bwahahaha. Sarap asarin ng babaeng to. Ang liit pero ang lakas ng dating.

"Ako pa ang papansin? Hoy Miss maniniyot, sana ti ----" Nako po. Ang working student T_T

"The both of you, get out of here!"

"But he started it!"

Just wow again. Sasagot pa talaga ha. Lakas ng fighting spirit ni Napkin ha? Eh noon pabebe pa siya, naging pato na ba?

"Miss, wala akong pakialam kung sino ang nagsimula. Nakakaistorbo kasi kayo eh. Teka, ikaw rin ba ang babae na sinaway kanina?"

Umirap nalang siya sa amin tapos nagsmirk nalang ako. No choice eh. Daanin natin sa killer smile. Pero wrong move kasi tumakbo siyang mabilis palabas. Hahabol pa sana si Aj kaso hindi kagaya ng pato, mabilis ang pagtakbo ni Nap.

Hinarangan ko si Aj.

"Ano ba Pat?!

May mga dalaw ba ang mga babaeng to? Ang iinit ng mga ulo. Bwesiiiit!

"Alam mo naman yon diba? Kung bakit? Aj, 5 years. 5 years na akong nalilaters zoned at next time zoned! Sa gwapo ko ba namang to nagagawa mo pa talagang umiwas?"

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon