Chapter 41: Paglisan

9 0 0
                                    

Ilang days na rin akong nagkukulong dito sa kwarto. Nakauwi na si Mom galing Tarlac at ganito niya ako naabotan. She knew what I'm going through dahil na rin ilang days nang pabalik-balik si Paul kakahingi ng oras ko para mag-usap kami. Para saan pa?

Alam kong puro sumbat at galit ang laging sulubong sa kanya ni Mom.

After all, mother's knows best. She was right. Right about him, breaking my heart.

I don't want to hear explanations. Tama na, ayoko na. Sapat na 'yung nakita at narinig ko kung saan dumurog nang husto sa puso ko.

Nawalan na naman ulit ako ng gana sa lahat ng bagay. I was so stupid believing on that jerk. Again!

All I wanna do for the rest of my days is to sleep and never wake up. Para naman hindi ko maramdaman 'yung sakit, hindi ko maalala ang lahat ng pang-gagago niya.

Paano kung ibangga ko ulit ang sarili ko para magka-amnesia? Siguro 'yan ang natitirang paraan para madali kong makalimotan ang lahat.

Mabilis akong lumabas ng kwarto. I need to drive! Kailangan kong makasakay sa saksakyan para maaksidente muli. Huh, funny and crazy idea, isn't it? Pero inaamin ko. Desperada na talaga akong makalimot.

Nung mga panahon na wala akong naalala, isang bagay lang naman ang kinasasayangan ko. At 'yun ay ang pagkalimot ko kay Tap. Pero ngayong wala na siya, wala na rin akong dahilan para magpigil pa.

Pumunta ako sa garage pero wala ang kotse 'dun. Then I saw Mom watering her little plant box.

"Mom, saan na 'yun kotse?" Nilapitan ko siya at tinanong.

Patuloy pa rin ang pagdidilig niya. "Pinaayos ko." Sabi niyang hindi nakatingin sa akin.

"Great, just great!" I said sarcastically.

"Bakit? Ano ang plano mo? Ibabangga mo ulit?" She looked at me with patience. Hindi naman ako nakasagot at yumuko nalang. "Nichole, what is happening to you? Ibubuwis mo ang buhay mo nang dahil lang sa lalaking 'yun?"

Still I did not answered. Yukong-yuko ako habang nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata ko.

"Psych-graduate ka. Dapat alam mo kung paano ihandle ang mga ganitong sitwasyon. I did warn you about this pero sinuway mo pa rin ako. Now you're trying to waste your life! Hindi ko na alam kong ano nalang ang gagawin ko." Patuloy niyang pangaral.

Napabuntong hininga ako. Kasabay nun ang pagdaloy ng luha sa mata ko. Nang dahil sa Paul na 'yun, I had disobeyed my mother. Ginawa ko lahat pati ang basagin ang puso ng ina ko para sa kanya pero heto, nagawa niya paring gagahin ako.

Ang huling pangungusap ni Mom ang mas lalong dumurog sa puso ko.

"Kahapon, nagpunta ulit siya dito. Nagpaalam na. He'll be going back to States."

Wala na. I'm dead. Umalis na siya para sa kasal nila. Ugh. This is bullshit and all!

Parang pinagsakloban naman ako ng langit. Masakit sa tenga pero mas masakit sa puso.

Talagang hindi niya ako ipaglalaban. Aalis na naman ang gago! Great. Super!

I rushed to hug my Mom. At dun ko na ibinuhos ang lahat. Kung gaano ako nasaktan at kung gaano ako kahina.

Isipin mo 'yun, dalawang beses ba dapat akong magpakatanga sa lalaking 'yun? At iyon ang hindi ko matanggap!

I hate myself more than I hate anyone else.
-

"Uyy, sure ka ha? Mag-iingat ka 'dun." Sabi sa akin ni Aj na hawak hawak ang kamay ko habang hinihintay naming tatlo ang flight ko.

Yes, hindi lang si Paul ang may karapatang mangibang bansa. Ako rin. At aalis ako hindi para habulin siya kung di ay para makalimotan siya.

Nakakatawa nga eh. Noong una niyang alis nasa Tarlac kami. Then we moved to Manila dahil 'yung nga, magpapagamot ako. This time umalis na naman siya, tapos magpapa-London ako. To heal my broken heart at magtrabaho na rin. Dun ko nalang ibubuhos ang oras ko. Sa ikatlong beses kaya? Mangingibang planeta na ako?

But I guess wala nang ikatlong beses. Once is enough, twice is too much. And thrice? I don't think so.

"Nichole, mag-ingat ka dun ha? Mag-skype tayo palagi. Mahal na mahal kita anak ko!" Sabi ni Mommy na para bang naluluha. Hano ba yan? Naiiyak tuloy ako.

"Yes, Mom." Tumango ako sa kanya at ibinaling ang mata ko kay Aj. "Girl, look after my Mom ha? At chika-chika pa rin tayo." Tuwang tuwa kong sabi.

"Basta, make sure mo na kapag bumalik ka dito naalala mo pa kami ha?" Sagot naman niya.

"Sira ka talaga! Bakit ko naman kayo makakalimotan?" Sabi ko sabay hampas sa kanya.

Niyakap ko silang dalawa. Kinuha ko ang bagahe ko at tuluyan nang nagpaalam.

Nang makasakay na ako sa eroplano, natuwa ako dahil sa window view ako. Inienjoy ko talaga kapag nasa ibabaw ako. 'Yung bird's eyes view. Teka, nasabi ko na 'yun dati di ba?

Nakatingin lang ako sa nagiging berdeng kapaligiran sa ibaba. I'm gonna miss my Mom at Aj. Surely I will. Hindi ko pa rin maimagine ang sarili ko na naninirahan sa London pero sa tingin ko, I need this escape.

I guess what I need to start over again is myself, my life. I need to begin again to a new place, new people and new surroundings.

Baka ang totoong pagsisimula muli ay 'yung kalimotan na talaga ang nakaraan at simulan ang bagong simula na parang isang blankong papel na naghihintay na sulatan. Hindi 'yung buburahin mo lang ng white out tapos sisimulan muli.

What we had were always not enough. Palagi nalang ganito. We had seen each other again and separated as soon as we try to settle down. Why does fate keep on doing that?

Nagbuntong hininga ako. Alam kong masakit ngayon. Alam ko ring masakit dahil, dahil mahal ko pa. Pero alam kong balang araw, kasabay ng aking paglisan, makakayanan ko rin ang lahat ng ito.

I will and I can. Get over him. Someday.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon