Chapter 19: Mason Jar

7 0 0
                                    

Aj's POV

Actually, bibili ako ng gift for Nap. May nakita kasi akong mason jar tapos lagyan ko nalang ng many tiny pieces of notes inside. I know she'll love it.

"Oh? This is mi--"

Mabilis niyang kinuha ang mason jar na nakadisplay.

"Excuse me? Mas nauna ko kaya siyang nakuha!" Sabi ko sa kanya.

"Pero una ko siyang tinignan." Sabi niya.

It was too late for me to realize na si Richard pala yung nakabangayan ko.

"You!?" Sabay naming sabi. Hawak pa rin namin ang jar.

"Bitawan mo na kasi. Psh." Sabi ko.

"Akin to nu!" Pagpupumilit niya.

"Mine!"

"No, mine!"

"Ugh."

"Hello Ma'am, Sir. May problema po ba tayo dito?" Tanong ng isang sales lady.

"Kasi Miss, ako ang unang nakakuha nito pero pilit niya pa ring inaagaw." Paliwanag ko.

"Excuse m--"

Sasagot pa sana siya pero bigla kong binitawan ang jar sa kamay niya. Okay fine!

"Actually Ma'am, Sir. Marami pa pong stocks niyan. Hindi niyo na pong kailangang pag-agawan." Singit ng isang sales lady.

"Oo, nga. Sabi ko nga." Richard.

Psh. Nakakainis talaga tong lalaking to. Pasalamat siya gwapo siya. Phew.

Kahit ganun ang nangyari, sabay pa rin kami hanggang sa pagbayad at hindi ko namamalayan na sabay na rin kaming naglalakad.

"What brought you here?" Tanong niya.

"Ah, bakasyon lang. 5 years din naman kasi kaming di na nakabalik dito eh." Sagot ko. Medyo may konting drama.

"Tinanong ko ba kung ilang years?"

Ay bwesit. Tinignan ko siya ng masakit. Psh!

"Uyy, biro lang." Sabi niya.

"Marunong ka din palang magbiro ha?"

There was silence again. Nalala ko si Charmaine. Anak niya ba talaga yun? Hay.

"Para saan yung mason jar mo?" Akalain mo yun? Sabay naming tanong.

"Ah, hehehe." Sabi ko nalang. "Ako ang una nagtanong nu."

"Oh hala? Sabay kaya tayo." Sagot naman ni Richard.

Ang cute niya talagang ngumiti.

"Ngee? Bakit ko naman sasagutin. Close ba tayo?" Nagpapahard to get lang. HAHAHA!

"We always bumped into each other. It's like there's a force driving us to do so." Seryosong sabi niya.

Dug.dug.dug.dug.

Uyy heart! Kalma.

"This is for Charmaine. She loves mason jars. Nilalagyan niya ng candies." Nagsalita siya ulit.

O diba? Anak nga niya si Charmaine. Wala na talaga. T___T

"Ah. Ang sweet mo namang tatay." Yun lang ang nasabi ko. Ni walang kaexpression.

Hindi siya tumugon. Feeling ko, hindi niya narinig.

Tahimik na naman. Naglalakad kami at hindi ko na alam kung saan ko naiwan si Nap.

Wait what? Sino yung kasama at kayakap ni Nap? Si Paul? Omg. Si Paul nga!

"So what is the meaning of this Nichole Andrea?" I said plainly.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon