Chapter 13: Insincere Apology

18 1 0
                                    

Nichole's POV

"May idea ka ba?" Tanong ko kay Patrick.

Nasa library kami. Nakabantay ang working student sa amin. Psh! Hello po!? We were friends! Nagkaamnesia lang kaya naging aso't pusa dito mostly sa library. Psh!

"At first, wala. Kaya nga kita sinusungitan diba? Kasi akala ko talaga kinalimutan at nilalayuan at iniiwasan mo ako dahil doon sa..." paliwag niya.

"Sa...?"

"Sa, alam mo na. Hihihi!" Sabi niya.

"Sa ano nga yon!?" Naexcite ako. Bigla tuloy napalakas ang boses ko. Mabuti nalang ay busy ang working student.

"Wala. Nevermind." Sagot niya nalang. FINE!

Nagpatuloy ako sa pagsusulat sa notebook kong kulay pink. Bigla kong naalala ang nangyari kagabe. Bahagyang napangiti ako.

Nakatingin pala si Patrick sa akin. Nagtagpo at mga mata namin tapos ngumiti siya.

"Oh?"

"Wala, namiss lang kita." Sabi niya tapos tumayo at ginulo ang buhok ko.

"Oh? Pasaan ka?" Tanong ko sa kanya.

"Sa labas, masyadong maraming tao dito." Sagot niya at umalis na.

Aba adik to ah? Eh lima nga lang kaming nandito.

"Tap!"

"Oh?"

"Wala, sabi ko ingat ka." Tapos at ngumiti ako sa kanya. He smiled back.

Back then I remember, I've had a crush on him. Pero hindi ko tinutuloy yon kasi nga ang yabang. Psh! Tapos hindi ako type nun.

Naputol ang pagpapantasya ko kay Patrick, wait, what!? Basta, ganun yon!

Nang bigla kong nakita si Gela at Althea palabas ng library.

"Girls!" Tawag ko.

Lumingon silang dalawa pero patuloy pa rin sa paglalakad.

"Wait lang." Tapos ay kinuha at niligpit ko ang mga gamit ko then sumabay na sa kanila.

Infairness, ang tahimik ha? Partida nakalabas na kami niyan ng library.

"Uy! Magaling na ako. I remember everything." Sabi ko sa kanila plainly.

"Yes, we knew." Sagot ni Althea.

"Kaya nga..." sabi ni Gela.

Napatigil siya nang tinitigan siya ng masama ni Althea.

"Kaya nga ano!?" Tanong ko.

"Ah, wala." Sabay nilang sabi.

May sekreto ba ang mga ito?

"Kaya nga ano? Please? Tell me right away." Pakiusap ko sa kanila.

"Okay, we're sorry Nap to say this pero.. Yes, we already knew you are fine. Kaya nga, sana iiwas kami sa iyo." Paliwanag ni Gela. Nakayuko lang si Althea.

"Wtf!? For what?"

"Eh kasi naman, baka magalit ka rin sa amin kagaya ng ginawa mo kay April. Hindi mo nga siya pinapansin eh." Dagdag niya.

Natahimik ako.

"We don't know the whole story but we know for sure ginawa lang yon ni April for your sake." Sumali na si Althea.

OO NA NGA! Mali na ang pag-away ko sa kanya, sa kanila ni Mommy. Psh!

"She was always there for you Nap. Eversince before you've met an accident hanggang sa nagkaamnesia ka, she never left your side." Sabi naman ni Gela.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon