Chapter 30: Ospital

8 0 0
                                    

Richard's POV

Ang bobo ko talaga. Bakit ba kasi ginawa ko yun? Sakit pa ng ulo ko.

Nakauwi na ako ng apartment. Naalala ko kasi yung ginawa ko kay April. Gago. Ang bastos ko.

Pero after 6 years, nagkaroon din ako ng lakas na ikwento lahat ng yun sa isang babae. Hindi pala, sa isang tao. Kahit kasi si Paul o iba kong kaibigan hindi ko sinasabihan ng ganoong nakaraan.

Ayoko kasing magkwento ng mga problema. Gusto, ako lang ang nag-iisip nun. Bukod sa ayaw ko silang idamay, ayaw ko ding isipin nila kung gaano ako kamalas sa buhay. Ayaw kong tignan nila ako na ginago. Kaya mas minabuti kong itago yun.

Pero may isang babaeng napagkwentuhan ko nang hindi ko man lang inaalintana kung ano ang sasabihin niya sa akin. Hindi ko inalintana kung ano ang iisipin niya. Basta ang alam ko, magaan ang pakiramdam ko sa kanya.

Don't get me wrong pero hindi siya ang type ko. Masyadong mabait, masyadong inosente. Ayoko nun. Sadyang magaan lang talaga ang pakiramdam ko sa kanya. At alam ko pa din dito sa puso ko na si Kathmaine pa rin. Si Kathmaine pa rin yung magpapabalik ng tunay na kasiyahan sa buhay ko.

Ang tao kasi masaya sa pagiging tanga. Kahit sinaktan na, kahit trinaidor na, patuloy pa rin. Tao eh. Nature ang pagiging tanga. At ano naman, atleast masaya. Pero sa lahat ng tanga, ako na siguro yung Valedictorian. Anim na taon nang patay ang tao, pero ito ako. Umaasa na sana, nandiyan pa siya. Heto ako, hindi pa rin nakamove on. At mahal na mahal ko pa rin siya. Tangang hindi pa rin nakapagmove on sa taong wala na anim na taong nakakalipas.

Oo. Malungkot ako, kaya nagawa ko yun kay April. Pero hindi ko naman inaasahan na madadala ako ng bugso ng aking damdamin. Hindi ko inaakalang aabot yun sa ganun. Gago ko kasi. Nagmukha tuloy akong bastos.

Ugh. Pagdating talaga sa mga babae wala na akong nagawang tama. Palagi nalang palpak. Hayy.

Ilang beses ko na rin siyang tinatawagan at itinitext pero hindi niya ito sinasagot. Galit nga siguro talaga sa akin ang tao.

Nagbabalak ako na huwag nang sabihin to kay Paul. Nakakahiya ang panggagago ko eh. Pero wala akong ibang alam na gawin kungdi ay ang isang bagay at kinakailangan ko siya. Sila.

"Sigurado ka Chard!? Gago. Paano si Charmaine?" Tanong ni Paul over the phone.

Nagbuntong hininga ako. "May yaya naman siya. At sanay na naman siya dun sa yaya niya. Bahala na, ito lang ang naisip kong paraan."

Nichole's POV

"OMGHAD! APRIL JOYCE!" Sigaw ko nang matanggap ang text ni Paul.

"Huh?" Masungit pa rin siya epekto pa rin ng ginawa ni Richard. Malilintikan talaga ang lalaking yun. Nang dahil sa kanya kailangan kong magtiis sa kasupladahan ng best true friend ko.

"Oh my ghaaad.."

"Ano nga?! Kainis ang dami pang oh my ghaaad. Pft!" Sheyt lang talaga. Kung hindi ko alam ang nangyari sa kanya masasampal ko talaga 'to. Pramis!

"Si ano, si Richard.. nasa ospital."

"ANO!?" Mabilis siyang nag-ayos at lumabas para maghanap ng taxi.

"Bilisan mo Nap!" Aba, ang landi.

AJ's POV

Nakakailang calls and texts na rin si Richard pero hindi ko pa rin ito sinasagot o nirereplyan. What's the point na magkita pa kami at magsorry siya? Eh noong nasa sementeryo nga kami hindi man lang nagsorry ng sincere. Oo, may sorry nga kaya lang may kasama pero. Ano ba yan!

"OMGHAD! APRIL JOYCE!" Sigaw ni Nap. Tang-inuh, ano'ng problema ng babaeng to? Hindi pa niya naiintindihan na kailangan ko ng peace of mind ngayon?

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon