Chapter 18: Panaginip

14 0 0
                                    

Ang saya! Ang saya namin ni Paul. Nasa rooftop kasi kami ng school. Kahit wala kaming ginagawa, basta kasama ko siya masaya na ako. Kahit na bawal ang taga ibang school na pumasok sa school namin, ang saya lang kasi nandito siya. Sa tabi ko.

Kasi kapag gusto, may paraan.

Tinititigan ko lang siya habang nakatingin naman siya sa malayo. Siguro nakita niya ako sa peripheral vision niyang nakatingin ako sa kanya kaya tinignan niya rin ako.

Parang nagslow motion ang lahat. The atmosphere changed into something magical. And my heart raced so fast.

*Dug.

Dug.

Dug.

Dug.

Dug.

Dug.

Dug.*

Pero bigla siyang tumalikod.

"Paul?"

He didn't answer. At nagsimula ng maglakad papalayo sa akin.

"Uyy! Sagutin mo naman ako!" Sigaw ko. Medyo kinakabahan na ako at ewan.

Sigaw naman ako ng sigaw ng pangalan niya pero mistulang wala siyang naririnig at patuloy lang sa paglalakad.

Hindi ko rin malaman bakit hindi ako makatakbo para pigilan siya, yakapin o kahit man lang habulin siya.

Wala akong nagawa kung di ay sumigaw. Hanggang naramdaman ko ang luhang dumaloy sa mga mata ko.

He reached the edge of the rooftop. This time, umiba na, kasi wala na ang mga bars at pader sa dulo nito.

Nagkaroon na ako ng lakas para habulin siya.

"Paul! Ano'ng gagawin mo? Kausapin mo naman ako oh? Please?"

Ngunit walang sagot. Hanggang sa wakas, hinarap niya na ako.

"Paul, ano na?"

Ngumiti lang siya and he laid himself down at tuluyan nang nahulog.

I cried! Ang sakit sa puso. But I jumped after him. I landed so hard and felt pain anywhere on my body especially my head.

For the last time I opened my eyes. Blurred ang paligid at hindi ko nakita si Paul. Even his body. I cried in pain.

"Paaaaaaul!"

--

"OMYGHAAD!" Sigaw ko nang magising ako.

"Huy! Ano'ng problem mo?" Tanong ni Aj.

Tumingin ako sa paligid. Nasa bus pa rin kami. Nagcommute nga lang pala kami kasi naunang umalis si Mommy at ngayon palang kami nakasunod.

"Panaginip," I told myself.

"Uyy girl? Ano okay ka lang?"

"Ah, oo. I'm fine." Humikab ako.

"Ano ba yan, ang baho. Pft!" Tukso ni Aj.

"Haaaaa. Haaaa. Haaa." Buga ko sa kanya.

Inawat naman niya ako at tumawa nalang kami.

"Hay, after 5 years! Makakabalik na rin ako sa Tarlac." Sabi ko.

Paul's POV

Kanina pa ako text ng text kay Nap kahit isang reply wala. I also tried to call her pero wala pa rin. Hay.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon