Chapter 9: Galawan, Takot At Kaba

26 0 0
                                    

"Baka may lason to ah?" Tanong ni Nap. Juice colored! Tatanggapin rin naman pala, pabebe pa! Pft.

Atleast, okay ang naging resulta ng pagsabi ko kay Patrick tungkol sa nangyari kay Nap.

5 years na siya na ninext time zoned at hindi niya deserved yon. He was there for Nap kahit ang hirap hirap intindihin nito noon at hanggang dito sa pagsunod sa Maynila.

"Nako! Nilalanggam ata ako." Singit ko.

"Anong langgam? Ito si Patrick Jay? Duh! Ew lang kaya." Nap

"Asa ka rin naman. Alam kong type mo rin ako no. Bleeeh! Deny ka pa." Patrick

"Ayan ka na naman. Bakit ba ang hilig mong ipagtulakang may gusto ako sa iyo?" Nap

OKAY! -_- Ako na ang OP. Si Nap na ang pabebe. Si Patrick na ang may mga galawang Mang Kanor. Pssh!

Bwiset lungs! Wala pa ring forever. Bwahahaha. Bitter lang!

Asaran lang sila ng asaran. Halata naman ang mga galawang breezy ni Patrick.

"Sheyt!" Biglang sabi ni Nap.

"Oh bakit?" Tanong ko. Nakatingin siya sa phone niya. May text atang nareceive.

"Alis muna ako Aj." Paalam niya.

"So kay April ka lang talaga magpapaalam? Yan tayo eh!" Kunwaring nagtatampo siya. Sus! Galawang torpe. Waaaah ~

"Bye Patrick! Thanks sa coffee."

Umalis na siya. Ngiting ngiti naman si Patrick. Aba, malanding ngiti.

"Anong ibig sabihin ng ngiting yan? Ha?" Tanong ko. Obviously, ngiting malandi nga. Pssh!

"Ha? Bakit? Gwapo ba? Natural yan." Nagwink siya. Yabang talaga!

"Pwe! Gwapo nga, torpe naman. Wala pa rin." Sagot ko. Bwahahaha!

Naglibot kami sa campus. Napadaan kami sa mga booths. May mga girls rin kaming nadaanan at halatang nilalandi siya.

Ang iba, masakit ang tingin sa akin. Hahahaha! Excuse me, sorry na lang kayo. Bestfriend ko ang hinaharot nito. Whahahaha!

"Pero hindi ko pa rin gusto ang ginawa mo." Seryoso kong sabi sa kanya.

Napahinto siya sa paglalakad na nagtataka.

"Ha?"

"Kape. Starbucks." Sabi ko.

"Ah! Ay, oo nga pala." :3

"Mabuti na lang medyo occupied siya sa mga asaran niyo. Kapag natumba na naman siya, edi bungga! Alam mo namang cargo de consiencia ko si Nap." Paliwanag ko.

"Eh nacarried away ako eh. Hay! Sorry po. :3 Alam mo namang second chance ko to. Hmm! Second chance nga ba o nagpapatuloy lang ako?"

Aba? Lalim na ah. Pero oo no? Ano nga ba to para kay Patrick Jay? Aish!

"Basta, kung ano man, gawin mo ang mga dapat mong gawin. At alalahanin ang mga hindi pwede." Advice ko sa kanya.

"Hihihi. Yes po Lola. Bwahahahaha!" Pft.

"Utot mo! Oy may mangga at bagoong dun oh! Taraaaaa ~ Libre mo ako!"

Mabilis ko siyang hinatak papuntang manggahan. Omygosh! I've missed this. :O Masarap isawsaw sa bagoong. Whooooooo! Sheyt lungs.

"Oy, April! Dahan dahan lang. Ilang buto na ang nasa mesa mo." Sabi ni Patrick habang nagpapasarap ako sa pagkain ng mangga.

"Eh keshe nemen eng serep serep!"

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon