Chapter 40: Fiancée

6 0 0
                                    

People all over the place were too busy babbling things to each other. Marami ang natuwa sa nangyari this night for Paul and for the Hotel. According sa kanila, Paul Christopher is such a responsible person kaya Mr. Xavier had trusted him to handle this.

Nagpasalamat si Paul sa lahat ng dumalo at sa mga taong nagagalak din sa kanyang narating. Hindi ko naman maintindihan bakit parang naeexcite si Aj tuwing bubukas ang bunganga ni Paul.

Lahat ng tao nakatingin sa kanya. Waiting for his words to come out from his tongue and mouth.

"Well, thanks everyone. Seriously. Those who believed in me ever since and to those who challenged me to become someone I never thought I can be. Thank you. Thank you so much."

He paused. Parang may hinanap siya sa crowd and when our eyes met, ngumiti siya. Matamis na ngiti at nagsalita siyang muli.

"And to the one who inspires me to be myself, I just-"

Natigil ang kanyang pagsasalita nang biglang may lumabas na babae sa gilid ng stage. She's beautiful and sexy.

Nagulat naman si Paul, even the people around but there were some na parang expected ang pagdating niya. Nagkaroon din ng bulungan sa paligid.

I kept on staring Paul but he didn't mind to glance at me even once.

"What are-" inagaw ng babaeng 'yun ang mic mula kay Paul at hinalikan niya ito sa right cheek. Wtf?

"Ah miss ya baby." Sabi niya habang nakangiti. Amerikana siya, matangkad at 'yung sinabi ko kanina? Oo, maganda siya at sexy. Kaso bakit pakiramdam ko parang bitch siya?

I really can feel the shaking of my whole body. I just don't understand what's going.

Who is she?

"Hello everyone! I'm Cazandra Alexandria Xavier, Paul Christopher's fiancée." Masaya niyang announcement na para bang nabasa niya ang tanong sa isip ko.

Napanganga naman si Paul. Parang hindi makapaniwala pero bigla siya hinatak ni Cazandra na 'yun at hinalikan.

Alam mo kung ano ang masakit? 'Yung tumugon naman siya sa halik na 'yun! Hindi man lang niya ito itinulak ngunit hinayaan niya lang!

Parang tinutusok ng kutsilyo 'yung puso ko. Minamaltiryo at pinapako! I was stabbed in front and I feel like, I feel like fainting.

So this is what it's all about! This freakin' event! To make me feel this way? He's getting married and I have no idea? What the hell?

Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko pero hindi ko maigalaw ang paa ko. Nilapitan ako ni Aj at 'yung namumuong luha sa mata ko ay tuluyan nang bumagsak.

Matapos ang kay tagal na pagtapat ng kanilang labi ay nagpalakpakan ang mga tao. At rinig ko, siya daw ang anak ni Mr. Xavier at engaged na for how many years.

So ano 'tong mayroon kami? Gaguhan?

Huh! Kaya naman pala napromote siya, kasi magiging anak na siya! Gusto kong sumigaw sa gitna ng lahat, gusto kong magwala at gusto kong umakyat sa stage at sumugod.

Pero hindi ko magawa. Hindi nga siya nag-abala pang bumaba at hanapin ako at ipaglaban ako!

Kanina-nina lang, he was so protective and all pero ngayon, ugh. Ikakasal na siya? Ghad, bakit ba hindi 'yun kakatigil sa pagpatay sa akin ng paulit ulit?

"Girl.."

"P-pakiexplain nga sa akin Aj," ang sakit ng lalamunan ko kakapigil ng luha ko. "Bakit, bakit hindi man lang siya nag-abalang puntahan ako dito, kunin ang kamay ko, dalhin sa stage at sabihing mahal niya ako! P-pakiexplain nga bakit, bakit nandito ako? Sa event na 'to? Am I also invited to celebrate their wedding?" I paused. Ang sakit na ng puso ko. Nahihirapan na rin akong huminga.

"Aj, p-please explain to me.. What is this all about?" Matapos kong sabihin 'yun eh tumakbo na ako palabas. Aj called for my name pero hindi ko siya nilingon. Then naramdaman ko na nakasunod na pala sa akin so Paul.

"Nap, please stop!" Tawag niya na parang hinihingal pa. Nilapitan ko siya at pinagtutulak ang dibdib niya.

"What the hell do you want from me Paul? Do you really wanna see me die? Ano ha! Hindi ka pa ba nakuntento sa kinahantungan ko noon? Ghad, Paul-"

"Nap, please. Let me explain." He said and held my arms, cutting my sentences off.

"Wala ka nang dapat iiexplain Paul. It is clear to me now. Ganun nalang ba kahalaga ang career mo ha? Ugh! Gosh. Please let go of me. I don't wanna see you. Again." Sabi ko na hinang hinang. Pero sa totoo lang ayokong gawin 'yun. Oo, siguro nga mahal niya ako. Pero I am so certain na deal 'yun. Ipapakasal siya sa anak ng may-ari para mapasakanya ang meron sa pamilyang 'yun.

I was wrong! He wasn't responsible after all. He is still a jerk choosing other stuff over me!

"Nap.."

"I said, let go. Please." Naghalo na 'yung luha ko at make up. Everything tonight was wasted! Lahat ng effort ko, lahat ng lakas ng loob kong umattend sa bwesit na event na 'to! I am so pathetic, ghad!

"She said, let go." Rinig kong sabi mula sa boses ng isang lalaki. Punong puno ng luha ang mata ko kaya hindi ko siya gaanong makita pero I know his voice.

Bigla naman akong binitiwan ni Paul at sinugod ang lalaking 'yun tapos ay pinagsusuntok.

"You idiot! Stay away from here! Are you happy now? Huh?" Huli kong rinig na malinaw sa kanilang dalawa. At mula doon, naging malabo na ang lahat pati ang pag-iisip ko.

All I know is I need to get out of this place as soon as possible. I am so tired, physically, mentally and emotionally.

I need to be away from him. Again. I need to forget him. Again.

With all my force, lumapit ako sa kanila na patuloy pa rin ang pag-aaway. I can't directly look at them. With all that I could, I yelled at the top of my lungs.

"STOP, YOU TWO, WILL YOU? GHAD!"

Kaya tumigil naman silang dalawa na hindi ko alam ang sitwasyon dahil nakayuko pa rin ako. Pagod na pagod. Pagod na nasaktan ulit.

"L-let's g-go, Ivann. Please." Sambit ko kaya mabilis naman akong inakbayan ni Ivann hanggang sa makaalis kami.

Pero ang puso ko. Ang puso ay sigaw ng sigaw sa pangalan ni Paul na may maraming tanong, what went wrong?

Bigla namang sumakit ang ulo ko.

Mali ba na nagtiwala ako ulit sa kanya? Bakit palagi niya bang pinili ang ibang bagay kaysa sa akin?

Kung hindi lang sana siya tumugon sa halik na 'yun. Kung mabilis niya lang sana akong hinatak at kinaladkad sa papuntang stage. Kung hindi niya lang sana tinanggap ang deal na 'yun! I'll be brave enough to rant in that respected people! But no. He didn't.

All he did was to tear me. Over and over. Again.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon