Chapter 37: Hall B

5 0 0
                                    

"Perez, Nichole Andrea. BS Physchology."

Yas gurl! Graduate na talaga ako. So what's next with this life? Mag-aapply na ba ako o mag-aaral ulit? Yung Major in Photography. Haha, siguro kailangan ko nang magtrabaho, nakakapagod ding mag-aral no.

Natauhan naman ako nang may isang chubby na babae ang lumapit sa akin.

"Uyy. Ano'ng iniisip mo ha?" Tawag sa akin ni Aj. "Sa wakas girl! Graduate na tayo!"

"Oo nga! Picture tayo mamaya ha? Sa'n nga pala sila Gel at Thea?" Tanong ko.

"Hindi ko pa nakikita si Gel pero si Thea, ayon oh." Sabi niya sabay turo sa may bandang kanan namin ang isang babaeng nakakulot ang buhok na nakangiti kasama ang isang lalaki habang pinipicturan.

"Hindi ka naman inggit niyan di ba?" Nabaling muli ang atensyon ko kay Aj. Natulala na pala ako sa kakatititig sa kanila.

"Luh? Hindi ah. Ano ba, okay lang 'yun. Alam ko naman na posibleng mangyari 'to kaya ayos lang talaga." Paliwanag ko.

"Wiii?"

"Oo nga, ang kulit nito." Lumapit sa amin si Mom. We're fine, I guess. Hindi na kasi namin napag-usapan ulit 'yung nangyari last time.

"Titaaaa! Graduate na ho kami!"  Masayang bati ni Aj. Ayon nag-usap lang sila at nagkukulitan. Pero bumalik yung tingin ko kela Thea. Yun siguro yung sinasabi niyang manliligaw niya. Infairness, gwapo.

Sinabi ko kanina na okay lang kasi nga pinaghandaan ko rin naman to. Pero sa totoo lang, hindi. Oo, nakakainggit. Mabuti pa nga si Thea eh, kahit manliligaw niya palang 'yun, nakakawacky pose at smile silang dalawa. Kami, hindi.

He didn't come. Napag-usapan na rin naman namin 'to. Ayaw na ni Mom sa kanya eh. Umiiwas lang kami sa gulo. Hay.

Basta, nakakainggit lang talaga.

Tumingala ako sa langit. It was a nice day. Clear blue skies at katamtaman ang init. May kaunting hangin rin na umiihip.

Tap, happy graduation day! Miss ka na namin. Miss na kita. Sabi ko sa isip ko.

"Nichole. Mauuna na muna ako. I'll check the situation sa bahay. Titignan ko lang yung konti mong salo-salo as you wanted that way to celebrate." Sabi ni Mom at umalis na patungong parking lot. I nodded. "Hindi ka pa ba uuwi?"

"Later, Mom." Matipid kong sagot.

"Nap! Girl, sorry pero kailangan ko talagang umalis. My father's waiting for me sa parking lot din. Sasabay nalang ako kay Tita." Explain niya.

"Aish."

"Sige na, mwaaaa!" She kissed my right cheek and it left a kiss mark there. I watched them leave. Fine.

Nagsimula na rin akong maglakad. Hindi ko alam kung saan rin ako pupunta pero hindi ko rin maintindihan kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko.

"Congratulations on your graduation!" Bati niya na ikinagulat ko naman. May tao pala. May lahi pa. Hahaha

He smiled. A sincere one. At dahil bukas ang bintana sa bandang kanan, kitang kita ko ang kagandahan ng kanyang brown eyes dahil sa sikat ng araw.

"Ah, thanks. What are you doing here?" Tanong ko kay Ivann.

I remembered Paul told me not to talk to him anymore. Pero ewan ko ba bakit heto ako ngiting ngiti pa sa kanya. Mabait din naman pala kasi 'to eh. Sa una lang malademonyo.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon