Chapter 26: Friendzoned

9 0 0
                                    

"What are you doi.. I mean, sa'yo ang condo na 'to?" Tanong ko sa kanya na hindi pa rin tumitingin sa mukha niya.

I waited for his answer pero hindi siya sumagot. Then he suddenly ran to me and embraced me.

"A-aray." Sabi niya habang kayakap ako.

"Huh?"

Bumitaw siya sa pagkayakap sa akin kaya nakita ko ang dugo na galing sa kanyang talampakan.

"Omygaash. Patingin nga? Alam mo naman kasing may basag na baso diyan.. Aish."

Umupo ako para tignan ang paa niya. Nasugatan ito ng basag na baso.

"Halika, dun tayo sa sofa. May first aid kit ka ba dito? Gamutin natin yan." Sabi ko.

"Okay lang masugatan, mayakap lang ulit kita. I missed you!" Sabi niya sabay pigil sa akin sa pagpunta sa may sofa sa pamamagitan ng paghawak niya ng braso ko.

I stood still. I stood for awhile. I stood in awe. And I cannot deny that I missed him too.

"Halika na nga." Inalis ko ang kamay niya at umaktong mataray.

****

Habang ginagamot at nilalagyan ko ng betadine ang talampakan niya, palagi naman kaming nagkakaroon ng awkward eye contact. Aish.

"Aaa-"

"Ayy. Sorry, sorry." Sabi ko tapos hinipan ito. "Masakit pa ba?"

"Sobra, pero titiisin ko ang lahat. Kasalanan ko eh." Sagot niya. Huh?

Hindi ako sumagot. Tumigil ako sa paggamot sa kanya. Humuhugot eh!

"Kasi nga diba? Naapakan ko ang basag na baso. Hihihi." Ngumiti siya.

Ang ngiti na nakaka... aish. Wala.

"Um, pwedeng magtanong?" Tanong ko. Eh nagtatanong na naman ako. Aish.

"Go ahead Nap."

"Um, kilala mo.. I mean, kaibigan mo ba yung lalaking englishero?"

"No." Mabilis niyang sagot.

"Ha? Pero bakit dito niya ako dinala?"

Kinuha niya ang kamay ko at pinatayo. Seryoso ang pagmumukha ni Paul.

"Basta, I will do everything to protect you from him." Tapos ay niyakap niya ako. "So stay still."

Hindi ko alam pero bakit biglang gumaan ang feeling ko. I suddenly felt secure and safe habang nakabalot sa loob ng dibdib niya.

"He is an enemy. So distance yourself from him." Dagdag niya.

Then he held my face. Look straight in my eyes and said, "And whatever he does, tell me right away."

Is he telling me to trust him, again? Ang isip at puso ko ay naglalaban. Gusto ng puso pero pilit na pumipigil ang isip.

Yumuko nalang ako. Hayy.

"Please Nap, please. Tell me right away." He held my head up and asked me again.

"Alam kong gagawa pa siya ng mga bagay higit pa dito." Dagdag niya.

"Bakit nga? Who is he?" Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko.

"He is Ivann Keith." He paused and thought about something. "I guess that's enough for now."

Okay fine. Hindi na pipilitin ang ayaw baka pumayag. Aish.

****

Atlast, nakauwi na rin galing sa condo ni Paul. Ang daming tanong sa isip ko. Like, sino ba yang Ivann Keith na yan? Bakit magkakilala sila ni Paul? Bakit pinagtitripan ako nun?

"Aish." Sabi ko nalang sabay higa sa kama ko.

"Nap?"

"Mom?"

"Patrick's here."

Ano? Ano daw? Si Patrick nandito? Seriously?

"Po?!"

"Nandito si Patrick."

"Si Patrick, mom? As in Patrick Jay Velasquez?" Sigaw ko.

Pumasok na si Mommy sa kwarto ko. Napikon na yata sa paulit-ulit kong tanong.

"Oo nga. Bakit ba? Nag-away kayo?" Lumapit siya sa akin.

"Mom.."

"LQ?" Tukso niya. Si Mommy talaga! Aish.

"Mom! Stop it. Aish!" T_T

"Sige na, hinihintay ka dun sa baba. At saka, Nap. Mag-ayos ka naman. Parang nakaporma yung isa eh." Then she winked at me. Signalling na baka date ang gagawin namin.

Nag-ayos na ako. Nagsuot ng dress na kulay pink at simpleng white doll shoes. Dinala ko yung camera niya.

I saw him waiting at our azotea. Ano kaya ang iniisip nito? Nahihiya ako sa kanya. Ang awkward kasi last time.

Teka? Ang awkward din ng last time namin ni Paul. Tapos ngayon..

Mahal na Awkward na Araw ba ngayon? Aish.

"Um.. Hi." I raised my hand and smiled at him.

Lumapit naman siya at niyakap ako. Sobrang higpit.

"Ano okay ka lang? Kamusta ka? Saan ka ba nagpunta? Sino yung lalaki? Babae ba?"

****

Nagtungo kami sa Mall para magpaaliw-aliw. Ang kulit pa rin talaga ni Tap.

Akala ko forever na kaming magiging hindi bati. Mabuti nalang, walang forever. Bwahaha

"Tap.."

Tumingin naman siya sa akin ng may pagtataka.

"I'm sorry." Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya.

"Alam mo Nap, nung natanggap ko ang picture mo galing sa kung sino man yun, Mister Ry daw, labis kung sinisi ang sarili ko sa mga sinabi ko sa'yo." At nagsalita na rin siya.

"Tap.."

"Shh." He put his index finger on my lips vertically.

"Akala ko kaya kong makita kang nasasaktan. Akala ko, kaya kong magpanggap na hindi ka nabubuhay sa mundo ko. Paano ko magagawa yun? Eh ikaw ang bumuo nito."

"OA man ang pagreact ko dun sa hindi mo pagsabi tungkol sa pagbalik ni Paul, hindi mo rin ako masisisi. Kasi nga.." he paused for few seconds. I looked at him.

"Kasi nga, mahal na kita. At takot akong mawala ka, ang lapit mo na sa akin eh." Ngumiti siya ng konti.

"But I can't force you to love me back if inside your heart is, Paul. Still."

"Hindi ko naman masasabing mali ako dahil minahal kita. Wrong timing lang talaga kasi nga kaibigan kita. And I wasn't contented of it."

"Pero ngayon, I've realized. Mas mabuti pang maging magkaibigan lang tayo. In that way I can still keep you. I still have you. And.." Tumigil siya ulit sa mga seryosong sinasabi niya.

"And..?"

"At hindi tayo bagay nu. Sa gwapo ko ba namang 'to? Sa'yo lang ang punta ko? Wag naman. Hahahaha!" Tumawa siya ng malakas.

"Aish!" Inirapan ko nalang siya. Tang-inuh. Nasa kadramahan na kami eh. T_T

"Di ba sabi mo gusto mo din ako?" Tanong niya. Fck. Naramdaman kong napunta lahat ng dugo ko sa katawan sa mukha ko. Aish.

Ngumiti siya, labas pangil. "Well, sorry Nap. Magkaibigan lang tayo. Friendzoned ka sa akin." Sabi ni Tap.

"Aish. Yung lalaking 'to talaga.."

"Kanina pa yang aish aish na yan ha? Sinabi ko na tama na yang kakapanood ng Korean Drama eh." Pinagalitan pa ako. Ewan, siguro para maiba ang topic.

Ngumiti nalang ako.

Hindi ko alam bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko. May mga tao naman talaga ta hanggang kaibigan lang. Kahit na alam niyo sa isa't isa na pwedeng mang magwork out yun.

I hugged him and whispered, "I'm sorry. And thank you. So much."

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon