Chapter 53: Cruel Intentions

423 11 12
                                    




I didn't  know what happened next.

Nagising nalang ako sa loob ng kwarto na ito. Nasa ospital ako. Nawalan daw ako ng malay.

"Tawagan niyo si Aethan." Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nilang lahat.

Bakas sa mukha nilang lahat ang pag aalala.

"Pero-- Sab, hindi namin siya ma-contact." Bagsak balikat na sagot sa akin ni Jeni.

Lalo akong nanlumo. "Ano yung tungkol sa Jet crash? Totoo ba 'yun?"

"Pina imbestigahan na namin yung tungkol 'dun--"

"Hindi naman 'yun ang jet na sinakyan nila Aethan 'di ba?" My voice sounded like I was pleading. Like the only answer I could take are the answers I only want to hear.

Lumapit sa akin si Pau at hinawakan ako sa balikat, "Sab, everything will be alright, 'wag kang mag-alala, nasa maayos na kalagayan si Aethan."

Gusto ko paniwalaan ang sinasabi ni Pau. Gusto ko paniwalaan na hindi lang ito comforting words. Pero hindi ako mapapanatag hangga't hindi nakikita ng dalawang mata ko na buhay si Aethan.

---

It's almost sunset when we got home. Kausap ni Dad and mga boys niya sa dining area. Probably having dinner, too.

"Dad," tawag ko at agad naman niya ako sinensyasan na umupo. "Sila Aethan ba 'yung nasa news?"

"We can't tell yet. But as of now, we can't get a hold of anyone." Seryosong sagot ni Daddy.

Agad namuo ang mga luha sa mata ko pero nagawa ko itong pigilan. I can not cry in front of these people.

No.

"We're still coordinating with FBI and waiting for updates." Nilingon ni Daddy ang katabi niya ay sinenyasan ito. "Mag follow-up ka nga." Agad naman itong sumunod at tumayo.

My muscles started trembling. My eyes got misty.

"P-P-Please let me know k-kung ano p-po ang balita-a--"

"What happened to you? Nawalan ka daw ng malay? Are you okay?" Biglang pag-iiba ni Daddy ng usapan.

"I'm f-fine, Dad. Mainit lang po kanina." Im trying so hard not to stutter pero hindi ko mapigilan. Sobra ang kaba na nararamdaman ko.

"Eat." Authoritative na utos ni Daddy. Lalo ako nanghina. Ganyan na ganyan si Aethan.

Gusto ko na talaga umiyak. Peste.

"Busog pa  a-ako. Excuse me, mauuna na ako sa taas." Pero sa totoo lang gutom na gutom na ako. Pero hindi ko na magawang kumain dahil sa kaba  ko.

Madali akong  umakyat  papunta sa kwarto ko. Pero, "A-Aray!" Singhal ko.

"Miss Sab!" Agad na lumapit sa akin ang isa sa mga boys ni Daddy na agad nakakita ng nangyari.

Sa pagmamadali ko at dahil nga nangangatog pa ang kalamnan ko, natisod ako sa hagdan.

"Ayos ka lang po ba?" Wala sa sarili na tumango ako at tumuloy na paakyat.

Narinig ko pa na nagsalita si Daddy at tinatanong kung ano ang nangyari pero hindi ko na sila nilingon pa.

I collapsed at my bed and cried my heart out. Naiinis ako sa sarili ko, gusto ko maging positive na okay si Aethan pero hindi maalis sa isip ko ang chance na baka wala na siya.

Wala sa sarili na pumasok ako sa banyo at huli na ng marealize ko ba hindi pa pala ako nakakapag-tanggal ng damit pero binuksan ko na yung shower.

Walang wala na ako sa sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon