Chapter 49: The wrong idea

588 13 0
                                    

Sab's P.O.V

"HOO." Buntong hininga ko ng matapos kong iluto ang breakfast ni Aethan. Dito na ako natulog, pero hindi sa tabi niya ha?

Sa couch ako natulog. At kahit pa man hindi ako kumportable doon matulog ay ginawa ko. Sa ngalan ng pag-ibig.

De jk. Yuck kadiri.

Mga 6:30 ako gumising para nga ipagluto si Aethan ng breakfast pero 7:30 na ay hindi pa din siya gising. Lintek. Lasing na lasing.

Nadecide akong matulog nalang ulit. Inaantok pa din ako. Late na ako natulog kagabi, maaga pa ako nagising ngayon. Aba, abuso ito.

Ng magising ako, wala na ako sa couch. Nasa kama na ako ni Aethan, pero wala siya dito sa kwarto.

Umupo ako sa kama at inantay muna magising ang diwa ko. Naramdaman niya siguro na gising na ako kaya pumasok siya sa kwarto at sumandal sa pintuan. Naka t-shirt naka boxers at magulo ang buhok. "Bakit nasa couch ka?" Sabay cross arms. Ito nanaman yung parang commander na tone niya na para bang may ginawa akong mali. Tsh. Pero kagabi iniiyakan mo ko at grabe ang hirap ng dinanas ko para maiuwi ka lang!

*Flashback*

Halos hindi na nga ako makahinga dahil sa higpit ng yakap niya. Wala na akong naririnig na sobs ang nararamdaman ko lang ay ang paghinga niya.

What have i've done to this man?

"Yes, Aethan. I will take you back. Mianhae."

Pero hindi siya sumagot. Pinakiramdaman ko siya pero hindi na siya gumagalaw. "Aethan," Kinabahan ako. "Aethan," Tawag kong muli. Hindi pa din siya sumasagot. Ano nang nangyari sa kanya?

Pilit kong inalis ang pagkakayakap niya at tulog na pala ang damuho! Nakakainis! Nasayang ang linya ko kanina!

"Cain!"

"Miss Sab, ano pong nangyari?" Parang flash na dumating si Cain sa loob ng kwarto.

"'Yan, lasing." Kita kong hindi makapaniwala si Cain sa nakikita niya. Ako man eh.

'Yan malalasing?

"Wow."

"Wow?" Komento ko sa namamanghang sagot niya ng makita niya si Aethan.

"Ngayon ko lang siya nakitang lasing."

Sa dami ba naman ng bote na sa harap niya ngayon, It's impossible hindi siya tamaan ng kalasingan.

Inalalayan namin ni Cain si Aethan at hinatid sa pad niya. "Dito ba pad niya?"

"Pretend you don't know. After this, forget what happened."

"Opo, Miss Sab. Alam ko din naman, na ayaw may makaalam kung saan ang unit niya."

"Maarte 'yan eh." I muttered at napatawa naman si Cain.

"Matagal ka nang nakapunta dito, Miss Sab?"

"Oo." Sagot ko habang pilit binubuksan yung pinto ng unit niya. Hindi ko na alam ang password! Dati ay 1028 ito.

"Hindi niyo po ba alam ang password?"

"Kung alam ko edi sana nabuksan ko na 'yan?" Sarkastikong sabi ko pa at napayuko si Cain. Parang ang hard ko naman sa kanya. "Aish~" Lumapit ako kay Aethan na tulog pa din. "Aethan," I said trying to wake him up. But no response. "Aethan, anong password nitong pad mo?"

Wala talagang sagot. Naiinis na ako. Kasi ang bigat niya. "Kung dalhin nalang natin siya sa bahay nila, Miss? Kila Sir Steve--" suggestion ni Cain na napaka layo sa naiisip ko.

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon