Chapter 25: Kidnapped

1K 19 3
                                    

Alden's P.O.V     



"Truth?? Walang thrill. Korni yan!" Pagkontra ni Ziggy. 

"Kung puro dare ang gusto niyo edi sana nag Dare 2.0 nalang tayo!" Inis na sagot ni Koleen. At nagtawanan naman sila. May point naman si Koleen dun eh haha.

 Teka, asan si Cza? Antagal naman ata niya?



"Bumalik na ba si Cza?" Bulong ko kay Ziggy.

"Hindi pa, bakit?" 

"Hindi pa bumabalik. Teka puntahan ko lang."

Saka ako pumasok sa loob.

"Cathy, si Czariane napansin mo ba?"

"Lumabas na po kani kanina pa, Sir Alden."

Umakyat ako sa taas

"Czariane!" Sigaw ko habang binubuksan isa isa  yung mga pintuan sa kwarto.


Tinignan ko na lahat ng kwarto sa bahay, wala siya.

Isang kwarto pa lang ang hindi ko natitignan, ang kwarto ng magaling na si Aethan. 

Pagpasok ko nakita kong nakalapag yung iPad niya sa kama.

Tinignan ko iyon at ang nakita ko sa lock screen, picture nilang dalawa. Masaya, magkasama.

Biglang nanuot ang inggit sa akin.


Dali dali akong lumabas ng kwarto ni Aethan at pinuntahan si Drea na kasalukuyang nakikipag tawanan.

"Where's Aethan?"
"He went to the washroom." Tipid na sagot niya sa akin. Simula ng maghiwalay sila ni Aethan, ganyan na ang pakikitungo niya sa akin.

Minsa naiisip ko na ginamit lang siguro niya ako nun para mapalapit sa kapatid ko eh.

Pumunta ako ng wash room para tignan pero wala si Aethan duon. At sabi din ng mga maids ay lumabas na siya.


Minabuti kong hindi na ipaalam sa kanila na nawawala o wala si Cza. Malakas din naman kasi ang kutob ko na magkasama yung dalawa.

I dialed Aethan’s number.

“Gago ka nasaan si Cza?” bungad ko sakanya pagkasagot na pagkasagot palang niya ng tawag.

“Hindi ko alam.”

Alam kong nagsisinungaling siya. Malakas lang yung kutob ko na nasa kanya si Cza.

“Tumigil ka sa kalokohan mo Nathaniel.”

“Wala nga dito si Sab.” Pagpipilit niya.

“Umayos ka. Kung talagang wala sayo si Cza paniguradong magkakagulo tayo dito. Ang iisipin nilang kumuha kay Cza ay amg mga Lesede, sa galing galing at nananahimik na yung mga ‘yon baka magkagulo nanaman dahil sa kalokohan mo.”

 

I hung up.

Wala naman din akong balak ipaalam na nawawala si Cza ngayon at kung wala nga siya kay Aethan ay hahanapin ko siya kahit na anong mangyari.

Ayoko lang na malaman nila na nawawala si Cza dahil panigurado ay gulo nanaman ang dala nito. I'm sure mga Lesede ang iisipin nilang kumuha kay Cza.

Ano ba kasing iniisip ni Aethan?!


---

Sab’s P.O.V



Nagising ako sa isang napaka dilim na kwarto. Nasaan ako?


Sa pagkakaalala ko nasa party ako ni Alden tapos si Aethan.. sa swing..

Tapos nun ay wala na akong maalalang iba pa.



May naaninag akong bulto ng tao sa may terrace. May kurtina kasi at liwanang lang ng buwan ang liwanag dito sa kwarto. Nagtayuan lahat ng mga balahibo ko sa katawan sa takot.  Yung anino niya eh nakikita ko sa likod ng white curtain.

Hinawakan ko yung lampshade at dahan dahan na naglakad papuntang terrace. Naka bukas yung sliding door at humahangin hangin pa kaya mas kinilabutan ako.


Naglakad ako ng dahan dahan naka tiptoe pa para hindi ako marinig.



Unti unti siyang humarap sa akin.
"AAAAAAAAAAAAAAAAH!" napasigaw ako sa takot.

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon