Chapter 3: Stay the night

1.6K 28 3
                                    

Subject: AN: im currently listening to Zedd ft. Hayley Williams' Stay the night while typing this, kaya yan ang title. haha 😁

pic on the side --> si Aethan Babe while sleeping hihi ^w^

---

Sab's P.O.V

Nandito pa din ako ngayon sa condo unit ni Aethan, sa awa naman ng Diyos wala pa syang ginagawang masama para sa akin. Pinakain naman nya ako at hindi nilason, yun nga lang gulay ang pinakain nya.

GULAY. Para na din nya akong pinatay.

Earlier this evening

"I've just spoken to your mother." Said Aethan while chopping off the veggies. And i'm just sitting at the stool watching him prepare our dinner.

"Anong sabi nya?"

"Pagpasensyahan daw kita." nanlaki mata ko sa sinabi ni Aethan at bago pa man ako makaimik nagsalita si Aethan.

"She knows about this." Dagdag nya. Bakit pumayag si mommy? ayaw na ba nya sakin? to the point na na-kidnap ako with consent?

Note the exaggeration sa kidnap thing, sino ba ang hindi mag papanic at magkakaisip ng kung ano ano? Poprotektahan nya daw ako, hindi ko alam kung kanino at bakit.

"Mind explaining, Aethan?"

"Not my story to tell. You'll know it soon." simpleng sagot nya at ipinagpatuloy na ang pagluluto. Pinanuod ko lang sya magluto. Wow, marunong sya ng gawaing bahay, swerte at the same time malas ang mapapangasawa nitong si Aethan. Gwapo, mayaman, matalino. Kaso maagang tatanda ang asawa nya sa kunsomisyon sa kanya.

"Aethan.." Tawag ko sakanya.

"Why?" tipid nyang sagot. Ang sungit talaga! Menopausal baby ba siya?

"Ilang taon ka na?" tanong ko. May maitanong lang. Naiinip na kasi ako. Buong araw ako lang ang mag isa dito kanina. Umals siya kanina mga bandang 7 pm na siya dumating. I don't know kung pumasok siyang school oh ano. Hindi naman din kasi siya naka uniform.

"Why are you asking?" Ang sungit naman nito!

"Masama ba magtanong?" Napataas ang boses ko.

"Oo. Masama. at masama din akong magalit kaya wag ka ng magtatanong pa ng mga bagay tungkol sakin." Aba talaga naman!

"Aethan," tawag ko ulit sakanya. Medyo nag aalangan ako kung paano ko sasabihin. Nakakatakot din ang lalaking 'to.

"What?!" iritang sagot niya.

"Uh ano kasi.." paano ko ba sasabihin sakanya na hindi ako kumakain ng gulay?

"Ano yun?" tanong nya habang nakatuon pa din sa niluluto nya. Infairness mabango yung niluluto nya at nakakatakam, kaso alam kong gulay yon kaya nevermind yung sarap nung amoy.

"May convenience store sa baba di ba?" bibili nalang ako ng makakain ko kesa kumain ako ng niluluto nya, feeling ko nagsisimula na syang patayin ako. Tsk.

"Oo." tipid na sagot nya.

"Bababa lang ako sandali." tumayo na ako at kukunin na sana ang wallet ko kaya lang sumagot si Aethan.

"No." ang monosyllabic naman nito ni Aethan tss ano bang problema nya. Bibili lang ako ng pagkain eh!

"May bibilhin lang ako". Tumuloy na ako at kinuha ang wallet ko. Hindi ko na pinansin pa kung ano yung sinabi ni Aethan.

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon