Chapter 50: Hanging on

712 12 6
                                    

Dahil pinanood ko ng live si Christina Grimmie yesterday. Song for this Chapter

I won't give up- Christina Grimmie

Super galing at ang ganda ganda niya.

And this chapter is dedicated to Loveizel. She's wonderful. Thank you so much for reading.

The long wait is over LOL it's been 2 months :)

Vote vote and comment! :)

Alden's P.O.V

"Baby, nasaan daw sila?" Kanina pa niya ako kinukulit kung nasaan na ba sila Princess. Ngayon kasi ata pupunta si mommy sa shop ng isang friend niya na designer. Para ito sa dadating na birthday ni Princess at sa engagement party namin. At dahil excited si mommy dahil wala naman siyang anak na babae, siya ang nag aasikaso nitong party. Alam niyo na the usual preparations, number one sa list ay ang isusuot.

Bakit ganito ang mga babae?

Pero malapit na ang party pero wala pa akong maayos na plano.

"Nasa school ata sila, may ipapasa na requirements," Sa totoo lang ayoko sana sumama. "Busy sila sa school 'wag mo nang abalahin pa yung dalawang nag aaral." Seryosong sabi ko at papasok na sana sa room ko pero sumimangot si mommy na parang bata.

"Ito na yung na schedule ko for the fitting eh!" Nakangusong sabi niya.

Sometimes she behaves like a 7 year old kid.

"We can just re-schedule it."

"No. Your Tita Lara will be out of the country next week!" Buntong hininga nalang ang tanging naisagot ko kay mommy.

Wala na akong magagawa. Hindi ko din madalas kontrahin si mommy dahil hindi ko naman siya madalas kasama.

Kaya kapag kasama ko siya sinusunod ko nalang ang mga gusto niya.

Pero paano? Kasama niya si Aethan at kasama ko si Mommy. Ano nang gagawin ko? "Bihis ka na! Sunduin natin sila!" Masayang sabi ni mommy saka pumasok sa kwarto nila.

Nagpakawala ako ng isang malakas na buntong hininga bago magbihis.

-----

Labag sa loob ko na nagdrive papunta sa St. Benedict at pagdating namin doon ay walang gaanong students sa parking. Mga may klase siguro.

Naalala ko ang college days ko, sa building na kaharap mismo ng parking, sa rooftop na ito ako madalas magpalipas ng oras.

At mag yosi. Hehe

"Nasaan kaya sila? Alden, you call her." Utos ni mommy habang may inaayos sa bag niya.

Lumabas ako ng kotse at tinawagan si Princess. "Nasaan kayo? Nandito na kami sa parking lot sa likod,"

"Nasa caf pa ako-"

"Kasama ko si Mommy." Narinig ko pa siyang nag buntong hininga bago sumagot.

"Kasama ko si Aethan."

"Alam ko. Pero si Mommy ang nag aarrange nitong party pati ang mga isusuot natin."

"Inaantay ko lang si Aethan."

Dumating sila Princess sa may parking lot at kasama nga niya si Aethan. Lumabas si Mommy ng kotse para salubungin si Princess at si Aethan naman ay umiwas ng direksiyon at pumunta sa kotse niya.

"Hi Sabbey! Let's go na, we'll go to my friend's shop! I'm so excited to see the dress!" Mom squealed with so much enthusiasm.

Buti pa siya masaya.

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon