Chapter 2 : Absurd Thoughts

1.9K 28 9
                                    

Sab's P.O.V

Hanggang pag uwi ko sa bahay pre-occupied pa din ang isip ko dahil sa sinabi ni Aethan.

"I found her"

Found what? Wanted ba ako? I can't recall doing something against the law! I am a law abiding citizen!

Pero may sarili akong law na sinusunod.

Pero ano namang kaylangan nila sa akin ng Daddy niya? May kaylangan ba sila sa akin? May plano ba silang masama?

Bigla ko naisip ang Daddy ko. Kung nandito siya sana hindi ako kakabahan ng ganito.

Lumaki ako ng walang kinikilalang ama. Sabi ni Mommy kinailangan daw kaming iwan ni Daddy. Hindi ni minsan sinabi sa amin ni Mommy ang dahilan at hindi na din kami nagtanong pa sa kanya because we respect her decision; if it was something na hindi ko pa dapat o hindi ko na dapat malaman pa.

But of course, I wish we had a Dad. Nagka-asawa si mommy, siya and Daddy ni Carlo, pero iniwan din nya kami. Baby pa si Carlo nung iwan niya kami. Hindi daw siya masaya. Anong klaseng dahilan 'yon? May anak na siya at lahat hindi pa siya masaya? Say that he's not happy, but still, Carlo is still his responsibility!

How rude guys can be?

Hindi ko nilalahat, exempted syempre si Dean. Hindi sya tulad ng ibang lalaki na mayabang, mahangin, kala mo kung sino. Di 'yung tulad ni Aethan. Puro siya kayabangan akala mo kung sino.

Tss! Aethan nanaman. Ba't ba simula nung dumating sya e ginulo nya isip ko?

Una, bigla bigla syang sumusulpot,dinaig pa niya yung kabute na biglang tutubo sa kahoy! Pangalawa alam nya full name ko to think na kakadating pa lang nya sa school namin, at pangatlo yung sinabi nya sa Daddy nya! Hindi ba? Hindi ko sila kilala, at paanong hinahanap ako ng Daddy niya?

Sa lalim ng pag iisip ko hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Pero nagising ako sa tunog ng cellphone.

Calling ..

+6390541*****

Tinignan ko yung oras, shit. 3 AM? sinong matinong tao ang tatawag ng ganitong oras sakin?

Hindi naman pwedeng si Dean, dahil may number niya ako. And he would never call me at 3 freaking AM!

Naisip ko tuloy bigla yung sa The exorcism of emily rose. 'Di ba 3 am yun?

Kinilabutan ako sa naisip ko, at sa takot ko pinatay ko yung cellphone ko at nag decide matulog ulit. Pero bothered na ako at pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Pinagpawisan ako ng malamig at halos manginig na ang kalamnan ko sa takot.

May naaninag akong ilaw sa bintana ng kwarto ko, unti unti akong sumilip at ng makita ko may kotse na nakaparada sa harap ng bahay at may gwapong nilalang na prenteng nakasandal sa kotse nya at nakatingin sa bintana ko.

Nang tignan kong mabuti hindi nga ako nagkamali si Aethan 'yon! What the?

Anong ginagawa nya sa tapat ng bahay namin ng alas tres ng umaga?!!

At paano nya nalaman ang bahay namin?!

Nag papanic na yung thoughts ko, at hindi ako makasigaw dahil na din baka magising sila mommy at malaman nila na may sumusunod sa akin eh baka ilipat nanaman nila ako ng school!

Nakakatakot ang isipin na stalker siya. Pero hindi takot ang nararamdaman ko sa kanya. There's really something with that guy. And that's just really weird.

Bumalik na ako sa kama ko at nahiga. At mabuti nalang hindi ako nakita ni Aethan na sumilip sa bintana ko.

Anong trip ng lalaking 'yon?

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon