Chapter 5: Revelations Obligations

1.4K 18 2
                                    

Sab's P.O.V



My heart's beating so fast as I went inside the house and sat on the couch.

Ano kaya ang gagawin ni Aethan sa lalaking 'yun?

"Andito ka pala, kasama mo ba si Aethan?" Tanong ni Mommy ng makapasok siya sa living area.

"Yes, Mom. Nagkita kami ni Dean tapos dito ako nagpahatid sakanya, dahil hindi naman niya pwedeng malaman na anduon ako sa bahay ni Aethan."

"Pumayag si Aethan na umalis ka ng hindi siya kasama?"

"Yes? Pero nakipag-away muna ako sa kanya bago ako makaalis." Sumbong ko pa. "M-mom.."

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya kung ano ang nangyayari sa labas!

"Kung pinaghihigpitan ka man ni Aethan, just let him be. Hindi naman niya gagawin iyon kung hindi dapat." Hindi ito ang time para makinig ako sa mga lectures ni Mommy! "But, how was it? Living with Aethan?" Ngumiti si Mommy ng nakakaloko. Yung ngiti niya may hindi magandang ipinapahiwatig!

At hindi ko iyon gusto!

"What's with that smile, Mom?"

"Why? I'm just asking you--"

"Mommy!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "May lalaki sa labas kanina, tinawag niya ako ng 'Vanderbilt', Tapos dumating bigla si Aethan, ngayon kasama niya 'yung lalaki na iyon."


"Anong sabi nung lalaki?" Biglang nagbago ang ekspresyon mg mukha ni Mommy. Naghalong kaba, gulat at, takot.


"May iba pa ba siyang sinabi?"

"'Yun lang ang sinabi tapo--"


A loud sound of a gunshot interrupted us.

"Aethan!"

Biglang kumabog ang dibdib ko. Sa sobrang lakas ay pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa dibdib ko.

"Mommy, ano ba ang nangyayari? Sino ba 'yung lakaki na 'yun?"

"I don't know him." She said calmly. "Let's just wait for Aethan, before we talk about it, calm down okay?"

"Mom! We're not even sure if he's fine there!" How the hell can I calm down?" I protested.

"He's fine."

Hindi ako kakalma unless makita ko talaga na maayos siya!

I stood up.

Pupuntahan ko siya.

"Isabel, please. Don't go there. Aethan's fine."

"We heard a gun shot, Mom! How can you be so sure he's fine?"

"Don't go there, Isabel." Pagbabawal pa ulit ni Mommy. Pero hindi ko siya pinakinggan.

"ISABEL! DON'T GO THERE!" Malakas na sigaw ni Mommy. Alam ko na seryoso siya sa pagkakataong ito. Hindi siya ang tipo na sumisigaw. She's always calm and collected.

Hindi ko pa din pinakinggan si Mommy at tuluyan akong lumabas. Nasa gate na ako ng dumating si Aethan. Agad akong napatakbo papalapit sa kanya.

"Aethan.." Hindi di ko na napigilan ang luha ko at agad nalang itong tumulo. Naghalo halo na ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito.

"Why are you crying?" Malamig na tanong niya.

"A-Akala ko may masamang nangyari sa 'yo."

"Tsh." Ang tanging sagot niya at saka naunang pumasok sa loob ng bahay.

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon