Chapter 48: Guts from the shots

587 9 0
                                    

Hi :-)

Salamat sa mga nagbabasa. Sana may mag vote naman haha :-)

-----------

Sab's P.O.V

Nagising ako ng umaga na wala si Aethan sa kwarto. May narinig akong mga nag-uusap sa labas.

"Wala naman akong pasok ngayon, I could stay here all day, gusto ko ding bantayan si Sabbey."

Naramdaman kong pumasok ito sa loob ng kwarto. "Good morning." Ngumiti lang ako kay Dean. "How are you?"

"Okay na ako. Salamat sa pag punta mo, ikaw? Kamusta na?"

"Sorry for what happened, sana hindi ka na namin sinama. Kung alam ko lang na mag kakaganito, sana hindi na kita tinawagan."

"Okay lang, hindi niyo naman kasalanan at ginusto ito. Masaya naman yung paglabas natin na 'yun. Ano nga pala nangyari nung nawala ako?"

"Nataranta kaming lahat at yung mga ninja mo nagsipag labasan sa paligid- natakot nga yung dalawa. Kala kung ano na. Anong oras na din kami nakauwi 'nun, ayaw ko pa nga sana, kaso sabi nung Rian ba 'yun? Sila na daw ang bahala."

Dean looked so guilty.

"Salamat at nahanap nila ako. Kung hindi ako nakita ni Alden, siguro.. Patay na ako. Hindi ko inakala na ganun ka mahal ni Drea si Aethan to the point na kaya niyang pumatay o- manakit para sa kanya."

Siguro nga ganun ang tunay na pagmamahal, but for Drea's case, she's in the wrong direction, her love for Aethan made her worse.

"Sometimes we get to the point that we tend to do things out of desperation and then we regret it; but Drea went out of the line."

"Ang isang bagay pa na naguguluhan ako ay ang relasiyon ni Luke at ni Drea."

"Sila di 'ba? Anong problema?"

"Mahal na mahal ni Drea si Aethan. At si Luke naman, parang sunod-sunuran kay Drea."

"Malay mo under-"

"Leader ng gang?"

"Why not?" Ito nanaman siya. Wala nanaman siyang maisip na witty na sagot sa confusion ko. Pero sabagay, pwede din namang 'yun lang ang sagot sa tanong ko. Maybe I just like to complicate things.

Natahimik kami sandali. Para bang may angel na dumaan at bumulong sa akin na magsabi na ako kay Dean. "Deanny, na-- nabaril ko si Drea."

"Oh, naba--- What?!" Nanlalaki matang tanong niya. Imagine his chinky eyes grew wide.

"Nabaril mo si Andrea?" Malakas na pag uulit niya.

"Oo nga. Bingi lang."

"Ano na nangyari sa kanya? Buhay pa ba siya?"

"Sana. Hindi ko alam kung nasaan siya, sila daddy na daw ang bahala. Siguro- sana ayos na siya. Hindi ko sinasadya iyon. Self defense lang sana kaya ko kinuha 'yung baril ni Alden, nabaril niya si Alden."

"What?" Napailing si Dean. "Pati si Alden? Nasaan na siya?"

"Hindi ko alam kung nasaan si Alden. Pero alam kong nandito siya sa hospital din na ito. 'Yun yung time na ako dapat ang babarilin ni Drea pero parang si flash na biglang humarang sa harap ko si Alden."

Napapailing si Dean. "I hope he's okay."

"Let's hope for the best. Ayaw nila akong papuntahin kay Alden. Hindi ko pa siya nakikita Dean! Ayaw daw nila makita ko siya ng nasa ganung situation- anong point nun?"

"Do you think they want you to feel guilty about it? Ayaw nilang papuntahin ka sa kanya dahil malamang kapag nakita mo siya ng ganun ay sisihin mo ang sarili mo."

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon