Chapter 32: Bipolar

944 17 0
                                    

Sab's P.O.V

"Yon! Gising na ang bida!" Pang aasar nila Matthew kay Aethan.

"Tumawag na kayo ng doctor, tawagan ko lang si dad." Si Alden.

Tatawagan na niya kase gising na. Talaga naman.

"Masaya ako at gising ka na." nakangiting sabi ko sakanya.

Kahit pa man nasa ospital hindi mo makikitaan ng panghihina ang itsura ni Aethan ngayon. Mukha lang siya bagong gising.

Ang pogi ^_^ ♥

"Don't you have classes today?" Tanong ni Aethan sa akin.

"M-Meron. Ikaw din naman meron! Hindi ako pumasok."

"Aish! Bakit?"

"Eh kasi walang magbabantay sayo! Tsh! Kagigising lang galit agad! Init ng ulo!" Sigaw ni Matthew sakanya.

Thank you Matthew.

"I know you're absent yesterday. Hindi ka na sana umabsent ngayon. Ikaw talaga, pero thank you, Babe." Sabi niya saka pa pinisil yung kamay ko at napangiti naman ako na nagpipigil ng kilig.

Ilang sandali pa dumating nga yung doctor.

"Anong pakiramdam mo?" Tanong ni doc sakanya.

"I'm okay, nothing's weird, but I'm hungry." Simpleng sabi ni Aethan at nagtawanan naman kami sakanya.

"Haha! Well, sige pwede ka naman ng kumain. Nakakamanghang nakatulog ka lang sa pagkakahampas sayo, pero aside from that and sa mga suntok sa katawan mo at wala ng ibang masamang nangyari sayo. Makakalabas ka na mamaya. Pero kaylangan ka pang I-CT scan mamaya para ma double check. Kaya baka gabi na kayo makalabas."

"Okay." Sagot ni Aethan sakanya na mukha bored na bored na.

Tinignan ko lang siya at nakatingin lang din siya sa akin. Para kaming nag uusap sa tinginan lang. Kita kong may namumuong ngiti sa labi niya. At hirap na hirap akong pigilan yung ngiting nagkukumawala sa labi ko.

"Ah sige mauuna ako, pagaling ka ng tuluyan Aethan." biglang sabi ni Doc.

"Salamat po." Nakangiting sabi ni Alden kay doc. Tumungo na din ako at nag thank you.

"Thank you po, doc"

"Sige sige. Ingat kayong mga bata kayo ha. Wag puro away hehe"

Nagkatinginan lang naman sila Matthew at Gio atsaka nagtawanan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Sila Matthew at Gio.

Mga baliw.

"Nakausap ko na si dad at Sir Alex. Mabuti naman daw at gising ka na. hindi na sila makakapunta at may inaasikaso daw. Sa bahay ka ba uuwi o sa pad mo?"

"Sa pad ko."

"Kaya mo na ba?" paniniguro ni Alden sakanya.

"Kaya ko naman hindi naman ako baldado."

Biglang bumagsak ang balikat ko. Ang inaasahan kong sasabihin niya ay 'Kasama ko naman si Sab, aalagaan niya ako' yung mga ganun! Napatingin sa akin si Aethan at parang nagtataka pero naagaw ni Matthew ang atensyon niya.

"Hoy wala kang balak pumasok?" Malakas na tanong ni Matthew.

"Ako, oo.ewan ko ikaw."

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon