Chapter 13: Dasol /pt 2

1.1K 13 0
                                    

Sab's P.O.V

"Cottage 13."

''So you're roomates with Dean."
I tried to hold back my laughter. Ewan ko pero feeling ko ang init ng dugo nya kay Dean. Minsan talaga feeling ko bading si Aethan eh.

Yung the more you hate the more you love kasi ang peg nya.

"What are you laughing at?" Nakakunot na noong tanong nanaman niya.

"Ba't ba ang init ng ulo mo kay Dean?" Nakapameywang pang tanong ko sa kanya. Ang weird kasi wala naman ginagawang masama sa kanya si Dean.

Tinapon niya yung cigar niya at hinarap ako. Amoy ko pa ang usok galing sa bibig niya.

"Kaylangan pa ba ng dahilan para kainisan mo ang isang tao?" Nakangising sagot niya.

"May ganyan ganyan ka pang nalalaman Aethan ah. Baka naman--" ngumiti ako ng pang asar at matik nanamang nag kunot ang noo niya.

"O ano?!"

"Wala.. Hahahaha!" Tawa ko. Pikon talo. Ayoko ma confirm yung iniisip ko!

"Who's your roommate?" Tanong niya habang nakatingim sa mga estudyante na hindi magkanda mayaw sa paghahanap ng mga roommate nila.

"As if you know them?"

"You actually have a point." First time nag agree sa akin ang mokong. Mang lilibre ako.

"Whatever."

Pumunta na ako sa cottage namin at inayos yung mga gamit.
Wala talagang kwenta kausap si Aethan.

"Bakit ang dami mo namang dala?" Pero mali din yung decision ko na pumunta ng cottage.

"Oo nga. Dito ka na ba titira?" sabat pa ni Pau.

Hindi ko na sila pinansin at inayos ko na yung mga gagamitin para mamaya.

"Ano yan? Tent?" Tanong nanaman ni Jeni. Usi.

"Ang dami niyong tanong ano?" seriously they are getting annoying.

Tapos may bigla namang kumatok sa pintuan.

Malamang sa pinto kakatok di ba?
pag kasi sa bintana baka salbuganak na yun or whatsoever.

Okay ang korni ko.

"Magandang Sab, may bisita ka." Lumingon ako sa may pinto si Dean pala.

"Bakit parang puro naman gwapo mga kaibigan mo?" Natawa naman ako sa sinabi ni Pau.

"Yeah right, siya lang naman ang kaibigan kong lalaki." Simple kong sagot.

"Ha? E sabagay. Boyfriend mo nga pala si papa Aethan. Hindi sya kaibigan. Ka-ibig-an." Pag kokompirma pa niya. Saka sya tumawa ng parang kinikiliti. Pwede bang ipaliwanag ninyo sa akin kung bakit ganito itong dalawang to?

"Dami mong alam, Jeni."

Si Dean lang naman ang kaibigan kong gwapo. At sya lang naman ang kaibigan kong lalaki. At si Alden pa nga pala mehehehe

Wag natin isama sa listahan si Aethan. Okay?

Narinig ko namang natawa si Dean.

"Cut it off guys, this is Dean, my bestfriend. Dean, this is Pau and Jeni. They are from student assistance."

"Ah so you met them nung na detention ka ni Miss Herrera?"

"Sige paalala mo pa." Saka ko sya sinapak sa braso.

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon