Chapter 4: Intuition

1.5K 21 1
                                    

Sab's P.O.V

Nagising ako ng wala na si Aethan sa tabi ko.

Hindi pa ako bumangon at naalala ko nanaman yung ginawa niya kagabi sa akin. That bastard!

Napahawak ako sa labi ko at nanlumo.
Pero maganda ang araw ngayon para sirain ko ang umaga ko dahil kay Aethan.

"Good morning, sunshine!" bati ko sa sarili ko ng tumingin ako sa bintana, ang ganda kasi ng view dito sa kwarto ni Aethan, city view.

Pumunta ako ng cr at naghilamos.

Asan kaya yun?

Eh ba't ko ba hinahanap?!

Pero kung wala sya edi mas okay! walang damuho dito. Kahit pa bahay niya to eh!

I prepared my breakfast at nanood mg TV. Mabilis ako nainip sa panonood ng TV at gusto ko umalis.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Dean.

"Hi, Deanyy!" Bati ko pagkasagot na pagkasagot niya. Parang bagong gising pa lang siya.

"Sabbey,"

"Nagising ba kita?"

"Apparently,"

"Tsh. Wala naman tayo pasok today 'di ba?"

"Yeah. Bakit ka absent kahapon?"

I was caught off guard. Hindi ko man lang naisip na baka itanong niya kung bakit ako absent kahapon. Sana nakapag-prepare ako ng reasonable answer.

"Wala. Mall tayo?" Sinubukan ko nalang na ibahin ang subject. Ayoko naman kasi sabihin na nagkasakit ako. Karma's digital diba? Baka bukas makalawa, magkasakit nga ako.

"Uhm,"

"Is that a yes? I'll see you later."

"Tss.. Hindi pa ako nakaka oo. Sige i'll pick you up at two."

Tss? parang Aethan lang.

Pick me up? Teka! wala ako sa bahay!

"Teka!" Hindi niya pwede malaman na andito ako. Kahit ako kasi mismo hindi ko alam kung bakit ako andito!

Ano na ang sasabihin ko?

"Yes, Sabbey? what's the matter?"

"A-ano kasi kita nalang tayo sa mall sa may KK?"

"Dadaanan nalang kita."

"'Wag na!" I know I am sounding really different right now. I can even imagine Dean making faces because I am sounding so weird.

"What?!"

"No. You don't need to. Mag-commute nalang ako. Abala pa sa'yo."

I am really trying hard to sound reasonable at this moment pero ay tinawanan lang ako ni Dean.

"Abala? Okay ka lang? HAHAHA parang dati galit ka pa kapag hindi kita nasusundo ah?"

"Matuto ka magtipid ng gas!" Wtf. Ano ba'ng dahilan 'yan, Sab?

"Sabihin mo 'yan sa sarili mo."

"I don't drive."

"Whatever." He snorted in defeat.

"Yes, sige liligo na ako."

"Excited ka ba o ano?" Natatawang sabi pa niya.

"Eh baka ma late!"

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon