Chapter 31: The Bad Boy is back :D

1.1K 17 2
                                    

Alden's P.O.V

"Hindi pa daw alam. Dahil na din sa sa bugbog na natamo niya, kaylangan ng katawan niya ng pahinga." Paliwanag ko.

Alam ko na nag aalala silang lahat dahil hindi talaga naming inaasahan na mangyayari it okay Aethan. Ito ang unang beses na na-ospital siya dahi lsa away

"S-Saan pupunta 'yun!" Sigaw nila dahil bigla nalang lumabas si Cza at binalibag yung pinto. Agad akong lumabas at sinundan siya.

"Czariane! Saan ka pupunta!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.

"Czariane!"

Saan ba pupunta 'to?!

"Ano bang gagawin mo?" Tanong ko pero hindi pa din niya ako kinikibo. Sabay na kameng naglalakad paakyat ngayon.

Sa may hindi kalayuan ay nakita ko si Drea na lumabas ng pinto galing sa isang kwarto doon. Sinong pinuntahan niya? Hindi kaya si Luke?

Pero laking gulat ko nalang ng biglang itulak ni Czariane si Drea! May arm sling pa siya kaya naman isang kamay lang ang naipang alalay niya kaya naman siya natumba. Lalapit n asana ako pero lumapit pa lalo si Cza sakanya

"Ano bang problema mo!" sigaw sakanya ni Drea pero blanko yung mukha ni Czariane at galit lang sa mata niya ang makikita mo.

Lumapit na ako para awatin si cza.

"Czariane!" Saka ko hinawakan yung braso niya pero hinawakan niya yung kamay ko at inalis yun. Pawasiwas pa nga yung pagkakaalis niya. Ang lakas -_-

"Problema ko? Problema ko ikaw! Kita mo inabot ni Aethan dahil sayo?!" Galit na sigaw ni Cza sakanya. At bigla nalang hinablot ni Cza myung buhok ni Drea at hinila pa siya nito pababa dahil akma na itong tatayo dahilan para mapaupo pa ito ulit.

"A-Ano ba! Masakit!" Singhal ni Drea.

"Kung masakit 'yan isipin mo nalang yung sakit ang inabot ni Aethan dahil sa kagaguhan mo!" Nahawakan ni Drea yung buhok ni Cza at hinila pero sinuntok siya ni Cza sa mukha!!! Ang lakas nun!!

"Tama na Czariane!" Sigaw ko para awatin sila. Binitawan naman ni Czariane ang pagkakahawak niya kay Drea at pwersahan ko na siyang hinila. Pwersahan dahil ginamitan ko na talaga ng lakas ang pagkaka hila ko sakanya!

"Ito sinasabi ko sayo Andrea Martin! Huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin at huwag na huwag mo ng lalapitan si Aethan, dahil baka sa susunod ikaw na ang nakahiga sa kamang 'yon!" Sigaw ni Czariane na halos mag echo na buong hall na ito.

Hinila ko siya paalis pero inalis niya yung pagkakahawak ko sa braso niya. Napalingon ako kay Drea na hirap makatayo.

"O-ouch. My arms.. It hurts..Al-" Maarteng sabi ni Drea habang nakaupo pa din, si Cza nakatalikod na at naglalalkad palayo. Humarap ako sakanya.

"Hindi mo ba ako tutulungan?" Dagdag pa niya. Tss. Kung di ka lang babae, at kung hindi ako gentleman, hindi kita papansinin ngayon. Tss.

Inalalayan ko siya patayo dahil hindi lang ako gwapo, gentleman din ako. --,)

"Alam kong hindi mo ako matitiis." Mayabang na sabi niya.

"Pwede bang magpasalamat ka nalang?" Inis na sabi ko. Umismid pa siya bago nagsalita.

"Salamat." Labas sa ilong na sabi niya.

Pwede namang magpasalamat nalang kase, dame pang sinasabe!!

Tss. Hindi ko talaga maisip. Minahal ko ba ito noon? O nagayuma lang ako?!

Paglingon ko wala na si Cza. Hindi ako inantay.

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon