Chapter 36: Riddles

850 12 0
                                    

Toby's P.O.V

Pagbaba pa lang namin ng kotse ay kinakabahan na ako. Ito ang unang beses na may mismong pulis na humuli sa amin.

Una kaming dumating sa may presinto at kasunod non ang kotse na sinasakyan nila Aethan at Matthew.

Agad lumapit sa akin si Matthew at bumulong. "Toby, natatakot ako."

"'Wag kang mag alala, gagawan ng paraan ni Aethan 'yan." Kahit pa ako din ay kinahabahan sa sitwasyon naming ngayon ay may tiwala akong hindi kami pababayaan ni Aethan.

Pagkapasok naming presinto ay rinig naming ang kantyawan ng mga nandoon sa loob.

"Oh? Gusto niyo ba diyan sa loob?" nakangisi pang tanong ng pulis sa amin kaya si Aethan ay mas lalong kumunot ang noo.

"Pumasok na muna kayo diyan at ipapatawag namin ang mga magulang ninyo." Sabi pa nung medyo may edad ng pulis.

"Tsh paano nila malalaman? Hindi pa naman natin ibinibigay mga contact natin sa kanila?" Pasiring na sabi ni Gio.

Habang nakaupo kami sa mga monoblock chairs ay kita naming nag da-dial ng cellphone si Aethan.

"Yoboseo.." At kumunot ang noo ni Aethan. Sino kayang kausap niya? "Naneun Gyeongchalseo e iss-eoyo, KCTU Headquartes, Ye.. Ji ral Ha ne! Byung-shin! Geunyang appa ege!"

(Hello? I'm here at the precinct, KCTU Headquarters.. Yes, Bullshit! Retard! Just tell Dad!)

Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya! Ume elyen nanaman siya!

"I bet he's talking to Alden. " Sabi ni Gio na nakikinig din pala kay Aethan. Ganun din naman ang mga pulis at lahat kami. Paano ang lakas ng boses. Bakas naman sa mukha ng nga pulis na hindi din nila naintindihancsi Aethan.

"Mga instik pala kayo?" Ngingisi ngising sabi nung isang nasa loob ng selda.

Mga koreano hindi mga intsik!

"Mukhang mayayaman!" Tatawa tawa ding sabi nung isa.

"Anong sabi ni Aethan?" Bulong ko kay Gio. Dahil siya ang ang malapit sa akin at alam kong nkakaintindi ng Korean language, si Matt ay nasa tabi naman ni Aethan.

"Nasa KCTU headquarters daw siya. Bullshit, Retard." Sabi ni Gio saka pa pumande kwatro ng upo. Anong problema nito? At minumura ako?!

"H-Hoy! Anong sinasabi mo diyan?! Ba't mo ako minumura?!" Inis na singhal ko sa kanya. Nagtatanong lang naman ako at hindi kasi ako marunong makaintindi ng Korean! Tsh!

"HAHAHA" Tawa niya sa akin! May nakakatawa ba? Tsh. "Baliw! Sabi 'yon ni Aethan, pinapapunta niya sila Tito Steve dito." Paliwanag niya.

Kala ko kung ano na ang sinasabi ni Gio sa akin!

Ilang sandali pa ay ipapasok na kami sa loob ng presinto. Nakakatakot yung istura ng mga nasa loob. Mga mukhang hindi talaga gumagawa ng maganda!

"Tsk tsk! May mga bago tayong laruan!" Sabi pa nung isang naka Mohawk.

"Ayoko abutin ng umaga dito!" Si Matthew habang naka busangot ang mukha. Sino bang may gusting abutin ng umaga dito? Maski isang oras nga ay hindi natin gugustuhin lumagay dito.

"'Wag kang mag reklamo, bata! Gagawa gawa ka ng kalokohan, tapos hindi ka handa sa kapalit?!" Sabat naman nung isang puro tattoo sa katawan.

Saka pa niya hinawakan si Matthew sa braso. At agad naman itong binawi ni Matthew dahilan para medyo matigilan yung lalaking puro tattoo.

Tsk. Naka kulong na at lahat, ang yayabang pa din.

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon