Chapter 1: Welcome Punch

3.5K 40 12
                                    

Sab's P.O.V

"Isabel!!! No!! Don't run away from me!!" Sigaw nung lalaki na kanina pa humahabol sa akin.

Pagod na pagod na ako, pero parang walang katapusan ang pagtakbo ko. Kanina pa ako tumatakbo at hinahabol ng lalaki na ito. He was holding a gun, my vision was blurry so I can't see his face, his voice was echoing inside my head I tried to scream but my body is not responding to my will.

Hindi ko na alam kung saan ako tatakbo! Paulit ulit nalang nagpapaikot ikot na ako dito!

"Isabel!!"

Sigaw pa din nya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagdilim nalang ang paligid ko! Ano nang gagawin ko?

Wala na akong makita! Madilim na lahat. Someone's still calling my name, pero hindi na ang boses na iyon.

"Sabbey, Dear, wake up now." I managed to open my eyes and saw my mom trying to wake me up.

"HAAH!" Nakahinga ako ng maluwag ng maidilat ko ang mga mata ko. That dream was horrible.

Alam niyo ba yung pakiramdam na parang totoong totoo lahat? Pati hingal mo? Ganun na ganun yung panaginip ko.

"You're having nightmares again." Mom looked really worried. I've been having the same nightmare for quite few days now. Hindi naman sila excatly the same pero laging yung may lalaki at may nandun sa dreams ko. Anong meron sa lalaking 'yun?

"Ewan ko mom, paulit ulit, at yung lalaking 'yun nanaman.." Napapailing na sabi ko. Hindi ko alam kung anong kasalanan ang meron ako at nagkakaroon ako ng mga panaginip na ganon.

Sino kaya 'yung lalaking 'yun?

"Ok ka na naman di 'ba?" Nag aalalang tanong pa ni mommy.

"O-Opo.. Wala ito mom, kelan lang naman 'to. Ayos lang ako."

"Sabihin mo pag may iba kang nararamdaman ha? Bumangon ka na."

"Opo.."

"Maligo ka na, breakfast is ready. Baka ma late ka, " Utos ni mommy at tumayo nako at pumunta sa cr. Buti ay nanduon si mommy para gisingin ako. Kasi kung hindi, ewan ko na kung anong nangyari sa akin. Kung magising pa kaya ako.

"Shit," nasabi ko pagtingin ko sa salamin. I look wasted, damn nightmares. I took a quick shower then rushed into the dining table.

Nanduon na sila mommy at Carlo, kumakain.

"Creep face." Bati sakin ni Carlo.

He's my.. I'm afraid to call my brother. But he's nice, though. Some times.

"Good morning too, Carlo." Sarkastikong sabi ko sa kanya.

"Ang creepy ng mukha mo." Napangiwi pa siya habang nakatingin sa akin. Paano naman kasi parang 50 shades of darks circles around my eyes and itsura ko ngayon.

"Can't you just do good mornings?" Angil ko sa kanya. Sasagot pa dapat siya pero sinuway kami ni Mommy. Ang aga aga naming mag-away. Pinandilatan ko nalang ng mata si Carlo then he stuck his tongue out tongue at me. Bruh, so immature.

Umalis na kame at pumasok sa school, may driver kami na naghahatid sa amin, dahil si mommy kaylangan din niyang pumasok sa work.

Wala naman kaming daddy para maghatid sa amin sa school.

"Ito nanaman po tayo." Sabi ko sa sarili ko bago pumasok ng gate.

Sino bang may gusto ng mondays?

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon