Chapter 47: Verisimilitude

520 6 0
                                    

Hi guys! Salamat at kahit papaano ay may nagbabasa pa din :-D

Sana nandiyan pa din kayo hanggang sa huli.

Please vote and comment! :-)

And i like niyo din po ang page ng TTBB sa facebook.

Facebook.com/mittbb :-)

Have a good day everyone!

-ruth

----

Alden's P.O.V

Nauna akong akyatin ang mga kwarto. Inisa isa ko itong tignan. Madaming kwarto ang bahay na ito.

Kung mayaman ang may ari ng sasakyan at ng villa, bukod sa pera ano pa ba ang magiging dahilan ng pagkuha nila kay Princess? Imposible ang mafia dahil wala sa listahan ang pangalang Martinez. Mas lalo akong kinabahan. Hindi pera ang pakay nila.

Nahilo na ako kakatingin sa mga kwarto dahil sa laki ng bahay. At nang matapos akong tignan, isa nalang ang hindi ko pa napupuntahan, ang basement.

Lumakad ako at bumaba papuntang baasement, madilim at malaki

"ACH--" agad kong tinakpan ang bibig ko at pinigilan ang hatching ko. "HAAA--" Maalikabok.

Ang laki naman ng basement na 'to. Grabe.

Nang makarating ako sa dulo, may hagdan, paakyat sa isang kwarto.

Halos matumba ako sa nakita ko.

Agad akong lumapit sa kanya. "Shit! Princess!" Si Czariane ay nakabulagta sa sahig. Nakatali sa silya at may masking tape sa bibig. Nakaramdam ako ng panginginig sa katawan. Dahil sa galit. Hayup ang gumawa nito. Hindi ko sila palalagpasin!

"Sinong gumawa nito sayo?"

Maingat kong tinaggal ang tape sa bibig niya. Mugto na ang mukha niya, anong ginawa nila sa kanya?! "Princess," May dugo ang labi niya at may pasa pa ang mukha. "Sinong gumawa nito sayo?!" Dumilat siya at tinignan ako pero kitang kita ko sa mata niya ang sakit na dinanas niya. Tangina. Hindi ko sila palalagpasin!

Anong kasalanan ang ginawa sa kanila ni Czariane para gawin nila ito?

Matapos kong kalasin ang pagkakatali niya at agad ko na siyang inalalayan para umupo sa silya. Kasabay noon ang biglang pagbukas nang pinto.

"Tangina mo!" Agad na sugod ko. Hindi na ako nag isip pang mabuti at sinugod siya. Galit ang naramdaman ko ngayon sa taong pumasok sa kwarto. "Anong ginawa mo kay Czariane, Lucas? Bakit pati siya dinamay mo sa away niyo ni Aethan?!"

Tama. Martinez. Bakit ba hindi ko naisip?

Maiintindihan ko pa kung makikita ko sila ngayon ni Aethan na nagsasapakan, dahil normal 'yon sa kanila, pero yung idamay pa niya si Czariane? Bullshit 'yan!

"Napag utusan lang ako." Sagot niya.

"Ano, tao ka ng mga Lesede?!"

Hindi ko na siya hinayaang makasagot pa.

Nasa gitna kami ng pagsusuntukan ni Lucas ng dumating si Andrea. "Pati ikaw?!" Bulalas ko. Hindi ko naisip na dadating sa punto na gagamitin ni Andrea si Lucas para gantihan si Czariane. Talagang hindi siya ang tipo ng tao na kayang magparaya.

Now it makes sense. Ganito din si Aethan. Kaya siya umayaw, dahil parehas sila. Parehas sila hindi pwedeng magpatalo.

Natawa pa siya bago sumagot sa akin. "Are you shocked?" I know she's crazy. Pero hindi ko naisip na magagawa niya ang ganito.

"Well. Not really." Sagot ko habang hawak pa din ang leeg ni Lucas. "I know you're capable of doing lunatic acts; So i'm not really shocked."

Tumango lang at ngumisi si Andrea at lumapit kay Czariane na nakaupo.

Mission Impossible: Taming the Bad Boy (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon