Chapter 7

27.8K 1.1K 361
                                    

"Ayos lang naman kung sasama ka sa kanila—"

"No, Star," pagputol ko, "dito lang ako sa tabi mo, mas kailangan mo ako."

Tumawag si Kris sa akin, magkasama sila ni Rain ngayon, although hindi ko alam kung paano sila nagkaroon ng contacts sa isa't isa. Well, marami namang ways. Mukhang magkasundo na nga sila kahit sa saglit pa lang na pagkakakilala. That's good news for me.

Napansin kong bahagyang namula ang pisngi niya. Wait... Napakunot ang noo ko. Tama ba ang nakikita ko? Nag...nagb-blush ba talaga siya?

"But, they're your friends, Shann." she told me, "They might feel bad kasi hindi ka sumama. Kaya ko naman ang sarili ko."

Napabuntong-hininga ako. Iyon nga ang inaalala ko. Mag-isa lang siya. May mga maid kami pero... Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga. I just can't leave her alone, I can be with them anytime I want but she's a different case. We may be practically living together but... "Do you want me to go, Star?"

"H-ha?" she stuttered. I think I caught her off guard. "Anong ibig mong sabihin?"

"Gusto mo bang umalis ako?" tanong ko ulit, "Hindi ka ba malulungkot?"

Naglikot ang mga mata niya. Kung saan-saan ito tumitingin sa kabuoan ng kwarto na parang hinahanap ang sagot niya sa tanong ko. Hindi rin mapakali ang mga kamay ni Star. Tumingin siya sa'kin pero kaagad ding yumuko. "Does it matter?"

"Star, anong klaseng tanong 'yan?" Napakunot ako ng noo sa patanong niyang sagot. She looked out of confidence. Bigla akong nalungkot sa nakikita ko. God, I want to hug this person... "Of course it matters! It matters to me." I said. "Lahat ng nararamdaman mo, importante. Naiintindihan mo ba ako?"

"Ang bait mo sa'kin," mahinang sabi niya. She smiled a little. "You're the first one who made me feel—who made me feel like I'm...special bukod kay..." Her words trailed off. She sighed heavily and it was shaky. Para bang any moment ay iiyak siya pero pinipigilan niya lang. Alam ko naman kung sino ang ibig nitong sabihin. She bit her lower lip. "It feels good to have a friend. It feels good to be your friend."

I smiled. It will feel better if you'll become my lover, Star. But for now, I'm contented being a friend. Napatingin ako sa lips niya. Hindi ko maintindihan pero parang biglang na-magnet ang mata ko roon—her pinkish, glossy, and thin lips. Nakakaakit iyon pagmasdan. Parang ang sarap...halikan.

"S-Shann?"

Natauhan ako nang tinawag niya ako. "S-sorry."

I felt myself blushing. I almost had the urge to kiss her. Yung lips naman kasi niya, eh, masyadong nang-aakit! Tumingin ako sa ibang direksyon. Ang awkward. I cleared mg throat and scratched my temple.

"Anong gusto mong gawin ngayon?"

Ibinalik ko ang paningin sa kanya. She has this question mark expression on her face, halatang nag-iisip ito. She pouted her lips a bit in a very cute manner. Napalunok ako. Inaakit talaga ako ng lips niya. I tried to set aside the thought. I shouldn't think about her that way.

Clear your mind, Shannelle, be proper.

Ngumiti siya sa akin ng tipid at nagkibit ng balikat. "Gusto ko lang na kasama ka."

Good heavens, she's making my stomach crazy—making every fibers of my system goes upside down! Paano niya nagagawang magpakilig unconsciously? Alam ko namang walang malisya iyon pero sa tulad kong patay na patay sa kanya, it's a spell working very well on me. Oh, good heavens!

"R-really?" I tried my very best to be composed. "You want to be with me?"

She nodded and hugged both of her legs, leaning her back at the headboard. "Ayos lang kung wala tayong gawin na kahit ano, basta kasama ka. Life won't be boring."

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon