Star's
"Ladies and gentlemen, the Captain has turned on the Fasten Seat Belt Sign..."
Rinig sa buong lugar ang airline announcement na sa totoo lang ay, wala akong pakialam. Shann's parents—or rather, her mother, sinenyesan niya ako na ayusin ang sarili at pati na rin ang kinauupuan ko. I just nodded and looked down after. I tried to take a peek on my lover's father pero kaagad akong napaiwas ng tingin nang mahuli ko itong nakatitig sa akin. Pasimple akong napahawak sa aking dibdib at hinaplos ito para pakalmahin ang sarili. Ang bilis ng tibok ng puso. Natatakot ako...
Ipinikit ko na lang ang mata ko at in-imagine si Shann. Naisip ko kung paano niya ako tingnan, kung paano nabubuo ang araw ko sa isang ngiti niya lang, na-imagine ko ang sarili kasama siya. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang sarili na maiyak. I missed her already kahit ilang oras pa lang ng iwan ko siyang natutulog.
I remembered her sleeping face. She looked so adorable and soft. Hindi ko maiwasang maiyak habang pinapanood siyang matulog kanina. Naghihirap ang kalooban ko sa dahilang aalis ako nang hindi man lang nakakapagpaalam ng maayos. Hindi ko kaya dahil alam kong pwedeng magbago ang isip ko.
And so I decide to just kiss her lips and forehead before I left a letter. I hope she will understand.
Hindi na ako nagmulat ng mata at pansamantalang kinalimutan ang oras at ikinulong ko ang sarili ko sa memory ni Shann. That way, nalilimutan ko ang takot ko. Takot sa maaaring mangyari sa akin, takot na makakasama ko ang magulang niya na wala siya. Takot sa bagong buhay na naghihintay sa akin.
--
"Ladies and gentlemen, welcome to Los Angeles International Airport. Local time is..."
Muli ay naalimpungatan ako sa announcement na mulang umalingawngaw sa buong lugar. Landing na pala. Pinili ko na lang maghintay hanggang sa pwede na kaming bumaba at lumabas. Napatingin ako kay Mrs. McBride at bahagyang namula nang ngitian niya ako. Bigla ko tuloy naalala ang nanay ko. Her smile's so warmth. Ang asawa naman nito ay diretso lang ang tingin na para bang malalim ang iniisip.
Ang secretary nila ang sumundo sa amin at may kasama itong mga lalaki. They bowed their heads bago kinuha ang mga bag at bagahe namin. Nauna namang maglakad yung secretary at sinundan namin siya hanggang sa makarating sa isang itim at magarang sasakyan. Sumakay kami doon nang hindi nag-uusap.
Sa harapan ako ng sasakyan umupo at sa likod naman ang mag-asawa. Bale, katabi ko yung secretary nila. Siya ang magd-drive.
Hindi ako makaimik at pakiramdam ko ay invisible ako dahil sila-sila lang ang nag-uusap. Puro tungkol ito sa negosyo nila. Ang narinig ko lang sa secretary nila na si Miss Allyson, nagkaroon daw ng aberya sa isa sa mga investor ng company. Nag-pull out ito at kasalukyang gumagawa sila ng paraan upang mapabalik ito. Isa raw ito sa asset ng company at malaking kawalan kung tuluyan itong mag-iinvest sa iba. The secretary added na kailangan daw ng mas magandang proposal para muli itong ma-convince and so they decided to conduct a meeting as soon as possible.
"Tomorrow morning would be fine." sagot ni Mr. McBride. "We'll visit the company later after a short rest so tell everyone to be prepare because this week, we are all going to be busy and more productive."
"Yes, Sir." The secretary confirmed and nodded.
After a few more minutes of discussion ay huminto na rin ang sasakyan. Bumaba na kami at kaagad nanibago ang katawan ko sa ibang lamig na naramdaman. Ngayon lang tuluyang nag-sink in sa akin na wala na talaga ako sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me (GL) [Completed]
Romance[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being touched or of coming into physical contact with other people, regardless of who that other person m...