"Tingin mo po ba pwede ako mag-stay rito?" tanong ko. Pinapanood ko ang buhok ni Nanay na alunin ng hangin. Kahit ako ay hindi makapaniwala na nandito siya sa harapan ko habang nakangiti at nakatingin sa akin. I looked at where we are—a sanctuary.
Iyon ang gusto kong itawag sa lugar na ito. Luntian ang damo na para bang dinaanan ito ng ulan na siyang naglabas ng tingkad at ganda nito. Ang langit ay kulay asul at wala ni isang ulap ngayon. Banayad at hindi masakit and sinag ng araw. Nakakapawi ng pagod ang init at nakaka-relax iyon sa pakiramdam.
"Hindi pwede, anak," Nakangiting pagtanggi niya sa akin.
Para bang nalunod bigla ang puso ko sa narinig. Ang hirap huminga, ang lungkot, ang sakit. Bakit hindi ako pwede mag-stay rito? Gusto ko lang naman maging masaya—gusto ko lang siyang makasama. Ang dami nang panahon ang nasayang, ano ba naman iyong hindi na ako umalis.
Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Sa pagkakataong iyon ay natuwa ako dahil hindi ako nakaramdam ng takot. Comfortable pa nga sa pakiramdam. Mabagal at maingat ko siyang yinakap pabalik. Nasa likuran niya ang mga kamay ko. My mother's warmth...
"Gusto ko lang na madalaw ka," bulong niya sa tainga ko. Bumuntong hininga si Nanay na para bang sinasamyo niya ang amoy ko. "Akala ko hindi na kita mayayakap ng ganito."
Hinarap ko siya at pinunasan ang pisngi niya. Ayokong nakikita siyang naiyak. "I can stay here, Nay. Gusto ko pong makasama ka."
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me (GL) [Completed]
Romance[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being touched or of coming into physical contact with other people, regardless of who that other person m...