Chapter 2

29.7K 1.1K 161
                                    

Sobrang tahimik kapag ganitong walang tao. Sana pwede kong makausap si Star. Never ko pa kasing narinig ang boses niya. Pakiramdam ko talaga ang laking panahon ang sinayang ko.

Napatingin ako sa wall clock, mag-a-ala-siete na ng gabi. Nanonood ako ng TV, 'yon lang at wala ng iba. Ang boring ng mga palabas. Walang kwenta kahit may cable. Nag-unat ako at pinatay na lang iyon. Tama nang panonood.

Pumunta ako sa kusina para magluto na. Hindi naman ako gano'n kagaling pero kahit papaano, may alam naman ako. My Mom told me that one day I need to be responsible for myself so I was taught how to cook ever since. I heard some weak foot steps while cooking. Medyo nakiramdam ako.

Lumingon ako, only to get stunned after seeing that it's...Star.

Mukhang nagulat siya sa paglingon ko kaya napaatras ito. I lingered my gaze on her. She's wearing a loose white t-shirt and blue pajama. Ito na yung chance ko na makausap siya and I won't let this opportunity to pass—

"T-teka lang, Star!" I called when she was about to run away.

She looked surprised. I felt my cheeks burning when our eyes met. Dati sinisilip ko pa siya sa butas ng dingding para lang makita pero ngayon...God. Para akong hihimatayin. My heartbeat is going out of place! Nakalimutan ko na yata ang sasabihin ko dahil sa titig niya. I'm just looking at her like a dumb person.

Still, I can't help but to feel so happy! I can't believe it, this is much even better sa mga napapasyalan kong lugar. Her eyes is much more beautiful than those sceneries. I can stay here and just watch her.

I was brought back to reality when she slowly raised and waved her hand na para bang chine-check kung ayos pa ba ako although she's almost ten feet away from me sa tantiya ko.

"S-sorry," I apologized. I smiled, trying to ease my sudden nervousness. "M-maluluto na yung dinner n-natin—" I almost cursed but stopped myself. Stop stuttering like an idiot, Shann! "Can you please w-wait at the dining table?"

Nararamdaman ko na nag-aalangan siya kung papayag ba o hindi. Alam ko naman na simula nang dumating siya rito ay sa kwarto lang ito kumakain. Dinadalhan lang kasi siya ng mga maid sa kwarto niya. But...I want to eat with her. Kahit iyon lang ay masaya na ako.

"D-don't worry," I breathed deep. The stuttering wasn't helping. "I won't do any harm. I won't hurt you, I promise."

She was just staring at the floor. Ang tagal niya ring nakayuko lang. Akala ko wala siyang balak pumayag kaya nakaramdam na ako ng lungkot but she slowly nodded her head. Inangat niya ang tingin sa akin. I just simply smiled pero deep inside—gusto ko nang tumalon at sumigaw sa sobrang saya. I mean, ito na 'yon, I made my first move now! Sa loob ng halos one decade, finally, makakasabay ko na siyang kumain!

"Thank you." I said in my most composed voice.

Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad ito papunta sa lamesa. Dahan-dahan siyang umupo. She looked like she is afraid to create a noise. I smiled when she looked at me but she quickly averted her gaze. Hindi siguro sanay.

--

"Is it okay kung ako nang mag-serve ng food mo?" I asked Star. Mabuti na lang at natapos na ako sa niluluto, ramdam ko na rin kasi ang gutom.

Mukhang nagulat na naman siya sa pagsasalita ko pero tumango rin naman. Pansin kong parang ang bilis niyang mabigla. I brushed the thought away.

Tumayo ako at hinanda ang pagkain kay Star. Nilagyan ko na ang plato niya pati na rin ang sa akin. Medyo napapaatras pa siya kapag napapalapit ang distansya ko sa kanya. I did my best para maiwasan na magkaroon ng skin contact sa dalaga. Mahirap na, baka maka-trigger ako. Ayoko namang umilap siya, ngayon pa nga lang sobra na ang pagtantiya ko sa sariling kilos.

"Let's eat!" masigla kong sabi. Tumango naman si Star.

Inantay ko muna siyang kumain bago ako nagsimula. Mukha namang hindi pangit ang pagkakaluto ko dahil nahuli ko yung sobrang palihim na pagngiti niya.

Now that I mentioned it—she really smiled! Nakita ko ba talaga iyon? I'm not dreaming, right? Ngumiti talaga siya. Ngumiti siya! Pakiramdam ko nababaliw ako. Heavens!

Her smile is priceless. Hindi ko na halos nararamdaman ang paligid ko dahil tibok ng puso ko lang ang naririnig ko at ang ngiti niya lang ang paulit-ulit na nagf-flashback sa isipan ko. This is really cheesy pero 'yon talaga ang nararamdaman ko. Ngiti pa lang niya, busog na ako.

After years and years of dreaming and fantasizing, at last, nakita ko na rin ang smile niya. Pakiramdam ko tuloy ay maiiyak ako pero pinipigilan ko lang. I don't want her to think that I'm creepy or something. But seriously, I'm so happy.

This is the best dinner ever! Kahit tahimik, hindi awkward. Kahit hindi ko siya pwedeng hawakan or yakapin, ayos lang. Kahit hanggang tingin lang ako, ayos lang. Kuntento na ako sa ngayon.

Pasimple ko siyang pinapanood habang nakain. I never thought that she can be that cute when eating. Para siyang bata humawak ng spoon and fork. At yung way ng pagsubo niya—very inviting. May poise and grace. I sighed. How I wish I'm the food.

Napilig ko ang ulo ko sa kalokohang naisip. Stop thinking dirty, Shann.

Star is too innocent para pag-isipan ng mga ganoong bagay. And yet, I can't stop it. Few images of her were swirling in my head and I'm not really proud of it. Ayokong mag-isip ng iba. Buti na lang malakas ang self control ko.

Natapos na kaming kumain. Umiinom siya ng tubig. Sa posture pa lang ni Star ay kita na ang lack of confidence niya—palaging nakatungo at hindi man lang magawang tumindig ng maayos.

I cleared my throat to get her attention. "Ako na lang bahala rito." Presinta ko habang nililigpit ang pinagkainan namin.

Tumango siya at tumayo na. Inayos niya ang inupuan. Dahan-dahan siyang naglakad paalis habang ako naman, hinihintay lang siyang mawala sa paningin ko. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Saglit ko lang siyang nakasama, but at least, it happened.

--

Pumasok na ako sa kwarto pagkatapos kong maghugas. Naglinis na ako ng katawan at nagpalit na ng pantulog bago ko buksan ang laptop ko habang nakadapa sa kama. Nakaka-high talaga yung kanina. Kapag naaalala ko ay talagang napapangiti pa rin ako.

I was browsing the internet nang naka-receive ako ng video call galing kay Kris kaya in-accept ko ito kaagad. Nang lumitaw siya sa screen ay napansin kong nakadamit pantulog na rin siya and she's at her room.

"Good evening, Kris!" Bati ko na ikinatawa niya.

"Ang saya mo, ah?" Puna niya. "Mukha kang kinikilig."

Nginitian ko lang siya ng matamis. Hindi ko lang makontrol ang happiness ko kaya ang obvious. Si Kris naman ito, eh.

"Sino ba kasi 'yang object of affection mo at nagmumukha ka ng lutang?"

"Tse!" I laughed. "I'm not lutang. Maghanap ka na kasi ng love life mo para naman hindi ka naiintriga sa'kin."

"I have life but love can wait," Ang nakakaintriga niyang sagot.

Umirap ako ng pabiro. "Hopeless romantic."

"Duh, ikaw rin kaya!"

Nag-usap pa kami ni Kris ng kung anu-ano bago namin tapusin ang tawag. Kung hindi tungkol sa school, random na topic lang talaga ang pinag-uusapan namin, depende sa maisip.

Inaantok na rin ako. Pero bago iyon ay sinilip ko ulit si Star sa peephole—ganoon na ang itinawag ko sa butas ng dingding dahil same thing lang. I quickly saw her. Nakita kong may sinusulat siya sa isang pirasong papel at itinago niya na 'yon. Humiga na rin ito pagkatapos and I did the same.

I smiled and yawned. "Sweet dreams, Star."

Natulog ako na ang ngiti niya ang nakatatak sa isip ko.

_____

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon