"Can we talk?"
Mula sa pag-aayos ng ginamit kong notebook ay napunta ang pansin ko sa kanya. This is the first time na sinubukan niya akong kausapin dito sa loob mismo ng classroom. Usually, hinihintay niya akong makalabas or pinupuntahan niya ako kapag break time. We're classmates after all.
"We're already talking, Keith." malamig na tugon ko.
"Shann!" Kris called. Lumapit siya sa akin at kumapit sa braso ko. Ngumiti siya. "Halika na?"
"Sure."
Isinukbit ko na ang bag ko. Paalis na kami nang hinawakan niya ang braso ko. Napatingin yung iba naming mga kaklase pero mas pinili nilang umalis agad at huwag nang makialam. Bored ko siyang tiningnan. "Aalis na kami. Bitawan mo ako."
"Let's talk, please?" pakiusap niya.
Keith, bakit ba ang tigas ng ulo mo?
Nilingon ko muna si Kris at inalis ang kamay niyang nakahawak din sa braso ko. I nodded at her para isenyas na mauna na siya. She just gave me this one concerned look bago tumango at umalis na rin. Kami na lang ni Keith ang nasa loob ng silid. Nakaalis na lahat ng mga kaklase namin.
"Saan mo gustong mag-usap?"
Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. "Dito na lang."
Sinagot ko siya ng pagtango pero hindi naman siya nagsasalita pa. Sa sobrang tahimik ay naririnig ko ang ingay ng mga students sa labas. Ibinaba niya ang bag at umupo kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Pumuwesto ako sa tapat niya.
"Mahal kita, Shannelle," wika niya sa mababang tono.
Bumuntong-hininga ako at napailing na lang. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa kanya na kahit ilang beses niya pang sabihing mahal ako ay hindi ko na magagawang suklian 'yon? Bakit ba kasi ang kulit niya?
"Mag-move on ka na," flat na pagkakasabi ko. Prangka, oo. Pero kailangan niya 'yon. "Wala kang mapapala sa akin."
"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?" Bakas sa tanong nito ang pagiging desperado. "You know, I've been swallowing my pride with bitterness. I've been doing this for so long."
"Kaya nga dapat mo nang itigil 'yan," Hinagod ko ang buhok ko dahil na rin sa sobrang frustration sa kanya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaawa, eh. "Hindi ka ba nagsasawa? Ikaw na ang nagsabi, 'di ba? You've been doing this for so long. Keith, gaano katagal? Gaano katagal mo gagawin 'yan hanggang sa matauhan ka?"
He smiled bitterly. "Ang tanong, gaano ko 'to katagal gagawin hanggang sa magustuhan mo na 'ko?"
Napakuyom ako ng palad. "Baliw ka na."
"Kasi nga mahal kita."
"Walang mangyayari."
"I won't give up."
Muling umere ang katahimikan. Sure, he's persistent. Pero hindi ako ang tamang tao na dapat niyang pag-alayan ng oras at effort—at ng pagmamahal. Mas maganda kung maaga na lang siyang susuko.
"Gusto mong kumain ng ice cream?" tanong ko. Nagliwanang naman ang mukha niya na para bang ang ganda ng tanong ko. "Huwag mong lagyan ng kulay ang tanong ko."
His expression became stoic. He just nodded, trying not to be affected. I know, I hurt his pride...for so many countless time.
Bitbit ang bag ay tumalikod ako at naglakad palabas. Nakasunod naman siya sa akin. He even offered na siya na lang ang magbitbit ng gamit ko pero tinanggihan ko lang ito. May mangilan-ngilan kaming nadadaanang estudyante na napapatingin sa amin. Sa mga tinginan pa lang, alam ko na ang iniisip ng ilan sa kanila and I don't give a damn about it. Bahala na sila.
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me (GL) [Completed]
Romantik[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being touched or of coming into physical contact with other people, regardless of who that other person m...