"D...Dad! Anong klaseng kalokohan 'yon?"
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kanya. Nakatabi lang siya kay Mom at walang ekspresyon na nakatingin sa akin pabalik.
"Hindi iyon isang kalokohan."
Marahas na nagbuga ako ng hininga, nagpipigil na maiyak dahil sa nangyayari ngayon. Fuck! Bakit ganito?
Napalingon ako kay Star na katabi ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. Wala siyang reaction, nakatitig lang siya sa kawalan. Pero halatang nag-iisip siya ng malalim.
"Star." I plead.
Mukhang natauhan siya. She looked at me at umiling-iling, ayaw niyang malayo sa akin. At ganoon din ako. Niyakap ko siya at hinayaang ibaon ang mukha niya sa dibdib ko, parang batang humahanap ng kalinga. I wrapped my arms around her protectively habang ang mga kamay niya ay parehong nasa laylayang ng damit ko, mahigpit ang kapit.
Nakikiusap na tumingin ako sa mga magulang ko. "Mom, Dad, hindi ba pwedeng sumama na lang din ako? Iyon naman talaga ang plano, 'di ba?"
"That's the plan...noong hindi pa nangyayari ito." matigas na sabi ni Dad.
Hindi 'to pwede. Bakit ganito? We are supposed to be together no matter what. "P-pwede bang pag-isipan muna namin ito?"
Please say yes. Please. Gusto ko munang itimbang ang mga bagay-bagay. Ayokong magdesisyon ng biglaan. Please.
"Wala ka namang pagpipilian." my father said, "Either sasama si Star as a trainee for my company, to prove her self-worth or ikaw ang sasama, iiwan mo ang course na gusto mo at hahayaan si Star dito sa Pilipinas."
I gulped. I clenched my fist na kulang na lang ay magdugo ito. Napamaang ako nang umalis si Star sa pagkakayakap sa akin.
"Sasama po ako, Sir."
"S-star." Hindi ko inaasahan ang sagot niya kaya halos mapatitig na lang ako sa kanya. I don't know what to think...
"Good." Tumayo na siya at hinila na rin niya si Mom palapit, palayo sa amin. "Iiwan muna namin kayo. Mag-aayos lang kami dahil pagod kami sa biyahe."
Hinintay kong mawala sila sa paningin ko bago nanghihinang napaupo. Star sat next to me. I bit my lower lip nang makitang umiiyak na siya kung kaya't agad ko siyang niyakap ng mahigpit while I gently caressed her hair in a comforting manner. How I wish I canease her pain. We parted, I kissed her forehead, and her eyes. I can taste her tears and so I decided to wipe it away. It hurts like hell to see her crying.
"I'm sorry," Muli siyang yumakap ng mahigpit at paulit-ulit na binulong sa tainga ko ang mga salitang hindi naman niya kailangang banggitin. "I-I'm sorry...sorry, Shann. Sorry..."
Napailing ako at hinarap siya sa akin. Muli kong pinunasan ang mga luhang naglalandas sa pisngi niya. I hushed her and pecked her lips. Pinagdikit ko ang mga noo namin as we intertwined our hands. "Huwag ka nang mag-sorry, okay? Wala kang kasalanan."
"B-but—"
"Ginawa mo lang kung anong mas makakabuti." putol ko sa sasabihin niya. Ayokong mag-isip siya ng hindi maganda sa sarili niya. Tama naman siya, eh. At wala rin kaming pagpipilian.
I sighed. "Let's think positive, okay?"
She nodded and I smiled. Magkakalayo kami pero hindi ibig sabihin no'n na maghihiwalay kami. Mahirap pero kakayanin.
"Star."
"Shann?"
Hindi ako sumagot. Gusto ko lang marinig ang boses niya. Yung boses niya na mahinhin at medyo malamig ang dating, pero may pagka-malambing pa rin. Yung boses na pinapangarap ko lang marinig dati. "Star."
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me (GL) [Completed]
Romance[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being touched or of coming into physical contact with other people, regardless of who that other person m...