Star's
Parang nabingi yata ako sa narinig.
Shann and that guy, Keith...together.
Parang naninikip ang puso ko dahil sa sakit habang naiisip silang dalawa na magkasama, at wala ako sa imagination na 'yon. Nagmamadaling tumakbo ako sa kwarto ko.
"Star!" Narinig ko ang boses niya maging ang paghakbang nito tanda na sinusundan niya ako.
Isasara ko na sana ang pinto nang bigla siyang humarang bago ko pa ito maisara. Ayokong masaktan siya kaya hinayaan ko na siyang makapasok.
"Star." She breathed.
I heard the door clicked. Lumapit siya at napaatras ako, iniwasan ko ang tingin niya. Halos maistatwa ako sa narinig ko kanina lang, patuloy 'yon na nagpaulit-ulit sa isip ko.
Gusto ng mga magulang niya ang lalaking iyon para sa girlfriend ko. Hindi ko alam kung ano, hindi ko alam kung paanong gagawin ko, o kung anong dapat kong isipin. Ito na ba ang huli? Parents 'yon ni Shann. Hindi ba dapat sundin niya ang gusto ng mga ito? 'Yon ba ang makakabuti para sa kanya? Is that man even good enough?
I flinched when I felt her hands on my shoulder. Wala na akong nagawa nang pinaupo niya ako sa gilid ng kama at ganoon din siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko—siguro dahil kasama ko siya...at siguro dahil din sa narinig ko.
Naramdaman ko ang paggaan ng pakiramdam ko nang yakapin niya ako ng mahigpit. Her hands on my back and my head, gently brushing my hair. Kusa kong ibinaon ang mukha sa leeg niya at hinawakan ang dulo ng suot niyang shirt, parang batang hinihila iyon. I sniffed unconsciously, ngayon ko lang namalayan na umiiyak na ako.
Napabitaw siya sa akin at nag-aalalang tiningnan ako. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya bago ako kintalan ng halik sa noo. "Bakit ka naiyak?"
"Iiwan mo na ba ako?" I asked with my eyes closed, afraid of what her answer will be.
"No! Of course I won't. Star, ikaw lang para sa akin. I don't even like him." She defended. "Huwag ka nang umiyak, please..."
"Pero 'yon ang gusto nila." nanghihinang sagot ko. "Anong laban ko sa kanila? I can't even prove myself to them."
"But that's not what my heart wants. I only want you, I love you and no one can replace you, not even him, not even my parents." bulong niya.
Binalot ng mahabang katahimikan ang silid. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko maipaliwanag yung way ng pagtingin niya sa akin. Puno 'yon ng sinseridad at pagmamahal. Something which made my heart fluttered Wala sa sariling napahawak ako sa magkabilang pisngi niya. She held my hand in return, inilipat niya 'to sa kanyang labi upang bigyan ng masuyong halik at napapikit.
"Star."
"Hm?"
Finally, she opened her eyes. Something flickered on it. "I'll tell them about us."
Napaawang ang bibig ko sa narinig. Hindi ko ine-expect na sasabihin niya 'yon, or magbabalak man lang na ipaalam sa magulang niya ang tungkol sa amin. "S-sure ka?"
"Oo naman," Tumango siya na halatang desidido na. "I don't care kung hindi nila tayo matanggap. Ang mahalaga, magkasama pa rin tayo dahil wala akong balak na iwan ka."
"But, paano kung paghiwalayin nila tayo? We don't have anything. Nag-aaral ka pa lang and isa pa, I'm still worthless—"
"Shh..." she cut me off. "Hindi ka worthless, okay? And hindi ako papayag na mahiwalay sa'yo."
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me (GL) [Completed]
Romance[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being touched or of coming into physical contact with other people, regardless of who that other person m...