Chapter 21

19.9K 682 8
                                    

Star's

"How should I tell her?"

Napatitig ako kay Rain na halatang frustrated. Hawak niya ang isang side ng ulo at sobrang kunot ang noo niya. Hindi ko naman alam kung anong dapat sabihin kaya nanatili akong tahimik.

Today's Kris and Shann's exam sa school na nais nailang pasukan pagka-graduate nila ng high school. At ito, Rain's here by my side at kanina pa ako nakikinig at pinapanood ang bawat expression na pinapakita niya.

"Alam ko, kailangan mo mag-relax, Rain." nasabi ko na lang. Hindi naman kasi siya makakapag-isip ng maayos kung ganyang stress na stress siya.

"Sana ganoon nga kadali, Star." Bumuntong hininga siya at sinubukang kumalma kahit papaano, which she failed to do so dahil mabilis na nagtagpo ang dalawang kilay nito. Napakagat siya sa lower lip niya. "I don't want to hurt her. Should I break up with her then?"

Turn ko naman na para magkunot ng noo. "Bakit ka makikipag-break? That's irrational. Sasaktan mo siya lalo."

"But I don't know what to do!" Frustrated na sagot niya which is obvious dahil tumaas na ang boses nito. Napaiwas siya ng tingin dahil napansin niyang medyo napaatras ako. "Sorry."

Bumuntong hininga ako habang napapailing. Ginulat niya ako sa pagtaas ng boses. Pinakalma ko muna ang puso na madali ko namang nagawa. "It's okay. Kausap mo na lang siya in private at ipaliwanag mo ang side mo. Kilala ko si Kris kahit kailan ko lang siya nakilala and maging ikaw. She'll listen to you, maiintindihan ka no'n."

"You think so?"

Nakangiting tumango ako. "You can work things out. If there's a will, there's a way."

Napangiti naman siya sa sinabi ko. Yep, if there's a will, there's a way.

Iyan ang isang bagay na natutunan ko kay Shann. Hindi niya ito siguro alam pero isa siya sa main reason kung bakit mas naging better person ako. Well, of course, isa rin sina Kris sa dahilan. Pinaramdam nila sa akin na belong ako rito.

"Anyways, how's your session with Doktora?" biglang tanong niya makalipas lang ang ilang segundo. Bilis magbago ng mood, nakangiti na siya na parang walang nangyari.

"Ayos lang. She said that I'm doing great. Malaki ang improvement." I said, reassuring her. Napapangiti pa rin ako sa saya kapag nare-realize kong malaki na nga ang nagbago sa akin, and si Doc na mismo ang nagsabi no'n.

Sina Shann, inuunti-unti nila ako. They've been exposing me sa lugar na matao. Tinitingnan nila kung anong magiging reaction ko kapag nagkakaroon ako ng physical contact sa iba. Nandoon pa rin ang kaba ko pero nasasanay na rin ako as time goes by. Last time, nagpunta kami sa mall since mataong lugar 'yon. So far, maganda naman ang result and I can't help myself but to be proud of it. Feeling ko ay normal na talaga ako.

"That's good then," Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. I held it back tighter, showing na sumasang-ayon ako sa sinabi niya.

Hindi na ako nab-bother kapag hinahawakan sa kamay sina Kris or maging si Rain. In fact, I kind of like it, sharing some skin contact with someone close to you. But holding Shann's hand is way better. Her warmth, the softness of her skin, it calms every bit of my nerves and at the same time, it gives me this butterfly feeling, like I'm high. I love that feeling.

Sabay kaming napatingin ni Rain sa oras, malapit na rin pala mag-lunch time. "Mamaya, uuwi na yung mga 'yon. Gagawa na ako ng lunch."

Tumango lang ako habang napapaisip. Hmm, I guess, walang mawawala kung susubukan ko ang naiisip ko. "Rain, pwede akong tumulong magluto?"

Don't Touch Me (GL)  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon