"Gusto kong mag-aral ulit."
Napalingon ako sa kanya at napangiti. Hinawakan ko siya sa kamay nang mahigpit. We're inside my room. Nagulat na lang ako nang may narinig akong katok sa pinto kanina at siya pala ang kumakatok. Nauna pa siyang magising sa akin. "Kapag okay na ang lahat, pangako, ako pa mismo magpapaaral sa'yo."
Naikuwento niya sa akin na elementary lang talaga ang tinapos niya dahil na rin sa naging kalagayan. Nakakakunot na lang talaga ng noo kapag naiisip kong hindi man lang niya na-experience kung gaano kasarap mag-aral, kahit masakit sa ulo ang mga subjects. Iba kasi talaga kapag nasa school.
Kung maaga lang siguro siyang naipa-consult ng ina niya, siguro noon pa lang, ayos na siya. But still, I'm thankful that it's not yet too late for her and here we are right now, Star's getting close in breaking her own chain. She'll be able to surpass every hindrances because she deserves all the best thing in this world. Nakaka-proud talaga. I can't help but feel like that.
'Yan si Star, ang babaeng gusto kong makasama hanggang dulo.
"Eh, ayoko ng ganoon."
Napabalik ako sa reality nang magsalita siya. I frowned my forehead. "What do you mean?"
Humiga si Star sa kama at niyakap ang katabing unan. "Gusto ko, ako ang magpapaaral sa sarili ko. I want to work." firm na pagkakasabi niya. Seryoso ang expression ng mukha nito. Kung sabagay, lagi naman talaga siyang seryoso. Seryoso na parang bata.
Napanguso ako sa sagot niya. Ano ba naman 'yon. Gusto ko nga siyang tulungan, eh. "Star, mahihirapan ka."
"But I want to work hard for myself," she answered. She sniffed my pillow. Napalunok tuloy ako, naiwan yung amoy ko roon, eh. I'm sure. "That's the only thing I can ever be proud of since all my life, I am just here, doing nothing."
Humiga na rin ako ng tuluyan at dumapa. Paharap ang ulo ko sa kanan kung saan ko siya nakikita. Humiga siya ng patagilid kaya nakaharap na rin siya sa akin. Unan lang ang nagsisilbing harang sa aming dalawa.
"Sigurado ka bang 'yan ang gusto mo?" tanong ko. She smiled and nodded. Napabuntong-hininga na lang ako. "Ano pa ba nga bang magagawa ko."
Nilalaru-laro ko ang mga daliri niya. Napansin ko lang, mas malaki ang kamay ko sa kanya, ang cute tuloy tingnan ng sa kanya. At saka parang mas malambot din iyon kumpara sa akin. Inilapit ko ito sa labi ko at hinalikan, napapangiti na lang siya sa ginagawa ko. I won't be able to do this kind of affection before, but right now, since she's doing so well in her therapy, we can now act normal like a couple─kahit wala pa namang official na label. Sa kilig ko ay nakagat ko ang daliri niya nang marahan lang naman but still, I heard her gasp.
"Ouch..." Daing ko nang pisilin niya ang pisngi ko. Medyo masakit.
Hinablot niya ang kamay niya at itinago iyon sa ilalim ng unan. Her cheeks turning into pink. "Bakit mo kasi kinagat?"
"Sorry, nanggigil lang." Ngumisi ako na parang bata. I bit my lower lip to suppress myself from smiling further. Alam ko namang hindi masakit pero I'm sure na nabigla siya. Buti na lang hindi nag-panic, nakaka-guilty kapag nangyari 'yon. It's getting harder to control myself these days knowing that our feelings is mutual. "Akin na 'yang kamay mo."
"Bakit?"
"Pahawak," I pouted my lips. "Hindi ko na kakagatin, promise."
Tinitigan niya ako ng ilang segundo. Natawa siya ng mahina pero inabot din naman ang kamay. I kissed the finger that I bit. I mouthed sorry.
"Maligo ka na," biglang sabi niya.
"Ha?" Nanlaki ang mata ko nang maalalang may pasok pa nga pala ako. Man! Tiningnan ko siya na parang batang nagpapaawa. "Parang ayaw kong pumasok. Dito na lang ako, tabi tayo."
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me (GL) [Completed]
Romance[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being touched or of coming into physical contact with other people, regardless of who that other person m...