Star's
I woke up early for no certain reason. Pero may feeling ako na maganda ang mangyayari ngayong araw.
Napangiti ako nang maalala ko si Shannelle. I'm sure natutulog pa 'yon since today's Saturday. Nakasanayan na rin kasi niya na pumunta agad dito first thing in the morning.
I checked my phone at nakitang six-thirty pa lang. Parehas kaming napuyat kagabi because we did movie marathon with different genres. That's my request. She's so kind para pagbigyan ako.
After kong maghilamos and makapagpalit ng damit ay pumunta ako sa study table ko para magliwaliw. My hobby aside from reading is writing poems.
Poems are pretty exciting to do. Creating lines with rhymes, using words na mabulaklak and maganda sa pandinig. This kind of art using words is deep and it's so meaningful.
Bago pa ako makapagsulat ay nakarinig na ako ng katok sa pinto. I stood up at pinagbuksan yung taong kumakatok.
"Morning, beautiful, " she said happily.
I smiled back and mouthed a morning at pinapasok siya. She closed the door and I heard a click. She's really used on locking the door immediately.
Umupo ako sa kama at pinagmasdan siya na tumingin-tingin sa bookshelves ko. Kumuha siya ng libro bago siya lumapit at maupo sa tabi ko. We both leaned on the headboard and I automatically wrapped my fingers around her pinky one.
I really love this kind of moment. Whenever I'm around her, I honestly feel normal and more...human.
"Musta ang tulog?" tanong niya, "Ang aga mo nagising."
She started to read the first chapter of the book. She's done reading the book na hiniram niya sa akin noon and I'm glad na nagustuhan niya 'yon. We shared some opinions about the novel and praised its author. Tingin ko, nahahawa na rin siya sa pagiging bookworm ko.
"Maayos naman." I answered. "Eh, ikaw, why so early? Puyat ka rin naman."
She sheepishly smiled at me as she played with my fingers. It's startling me at first but miraculously, in a way, natutunan kong maging at ease sa kanya. "Napanaginipan kasi kita. Ayon, na-miss tuloy kita kaya gumising na ako. Pero pinatapos ko muna yung scene sa panaginip ko."
Ikiniling ko ang ulo pakanan. Na-curious ako sa sinabi niya. "What's your dream then? Pwede ko bang malaman?"
"Uh," She started to blush so hard and giggled, yung para bang kinikilig talaga. She looked down on the book and bit her lower lip. Automatic naman na natuon ang paningin ko sa labi niya. "We kissed. And it felt so real."
"K-kiss?" May jaw dropped slightly. Napalunok ako at nagbaba ng tingin. There's something in me na nagpu-push na...subukan siyang halikan.
Pero natatakot ako. I'm afraid na I'll panic. Napailing na lang ako sa isip-isip ko. Maybe next time will do. Sana sa susunod, wala na akong maramdamang takot.
Ngumiti na lang ako. Tumango naman siya na halatang nahihiya. Nagtaka ako dahil parang batang guilty ang sumunod na naging expression niya.
"Ay, Star, may, m-may kasalanan pala ako sa'yo. Sorry."
Naguluhan ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko siya ng patanong, waiting for her explanation. Napakamot siya sa ulo niya. Hindi siya makatingin sa akin ng maayos.
"Eh, kasi...hindi ko naman talaga ano, eh... Please, huwag kang magagalit!"
"Can you just tell it first?" tanong ko sa kanya. "Hindi kita maintindihan."
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me (GL) [Completed]
Romance[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being touched or of coming into physical contact with other people, regardless of who that other person m...