"Flowers for you, Shann."
I rolled my eyes nang bumungad sa harap ko si Keith. May hawak siyang boquet ng bulaklak at malawak na nakangiti sa akin. I sighed and shook my head. "Keith, hindi ko 'yan matatanggap. I don't want to give you any hope."
"Your Dad likes me for you." Sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
"So?" mataray na tugon ko, "I don't care. I don't like you, period."
Tinapik ko ang bulaklak palayo at nilagpasan siya. Wala akong pakialam sa mga estudyanteng nakakakita ng palabas na ito. It's my right whether to reject someone or not. I always do it in the proper way but this guy seems like he can't take rejections very well.
"Kung bibigyan mo lang sana ako ng pagkakataon na makilala ako, maybe you can give me a chance to your heart. I just want you to like me─"
"Keith," I interrupted. Nakatalikod ako sa kanya at hindi na nag-abala pang lumingon. "Alam mo ang sagot diyan. Alam mo ang sagot ko sa'yo noon at sa iba pang katulad mo. I can't like you the way you want. Never."
Umalis na ako at tinahak ang direksyon papunta sa room ko nang hindi na hinihintay ang sagot niya. Alam kong napasobra ako, I may be offended him, or nasaktan ko ang feelings and ego niya pero katulad ng sinabi ko noon, kung kailangan kong gawin 'yon para tigilan na niya ako, I'll do it.
Besides, nagkakamabutihan na kami ni Star. Napangiti at kinilig na naman sa kaloob-looban ko nang maalala ko yung ginawa namin. The date, those sweetness...dang! Everything's going so smooth.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at agad na tinawagan ang number ng bituin ko. Shocks, I'm so corny than ever na! Oh, well, walang corny sa taong in love.
"Shann?"
Automatic na pumalakpak ang tainga ko nang marinig ko ang pinakamagandang boses na iyon, via phone man o sa personal, ganda pa rin. Automatic rin na nawala yung bad vibes na naranasan ko sa lalaking iyon kanina. Man, lagi naman, eh. Sa tuwing nawawala ako sa mood, basta makita o marinig ko lang ang boses ni Star, ayos na ayos na. Good vibes na ulit. May bonus pang kilig.
"I love you," bungad ko sa kanya. Saglit pa siyang natahimik before she responded a hum. I bet she's nodding on herself habang nakangiti. "Are you smiling?"
"How did you know?"
I chuckled. Tama ako.
"Mahal kita, eh." walang konek na sagot ko. Mahal ko naman talaga siya. I heard her softly chuckled kaya lalong napalawak ang ngiti ko.
"I know," she replied happily.
Napansin ko namang palapit si Kris sa puwesto ko at mukhang kakarating niya lang din. Kumaway ako sa kanya at ngumiti. She smiled back pero agad ding napalitan ng isang curious na tingin dahil na rin siguro nasa may tapat lang ako ng room habang may kausap sa phone.
"Star, papasok na ako. Gusto ko lang talaga marinig boses mo, eh."
"You missed my voice?"
"Ay, obvious ba?" Biro ko sabay tawa. Tumawa rin tuloy siya. "Oh, paano, mamaya na lang."
"Okay. Ingat." She ended the call.
"Sinong kausap mo?" Tanong ng best friend ko na bakas ang pagdududa sa boses.
I winked at her at inakbayan siya. "Si Star."
"Okay," Sagot niya, halata pa rin ang pagdududa.
I sighed. Hindi ko na lang din pinansin ang itsura niyang iyon, sure ako hahaba ang diskusyon, eh.
BINABASA MO ANG
Don't Touch Me (GL) [Completed]
Romance[This is a GL story] Started writing on November, 2014 Story completed on April, 2016 ** Haphephobia is an intense and often irrational fear of being touched or of coming into physical contact with other people, regardless of who that other person m...